Chapter Fourteen

6.3K 246 4
                                    

Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan ni Zach ngayon. May amnesia ba si Elisse? 'Yon ang dahilan kung bakit nagdalawang-isip si Zach na sabihing kilala niya si Elisse. Dahil, pa'no kung itanggi ni Elisse 'yon dahil 'di nga siya nito maalala? Baka mapahiya lang siya sa harapan nilang lahat. And he's also afraid that he might scare her away.

Pero, kung mayroon mang amnesia si Elisse, bakit sa anyo nito kanina'y parang nakikilala nito si Zach? Napansin n'ya rin ang pagiging mailap nito sa kan'ya sa tanang pananatili niya ro'n. Maraming beses din siyang sinusulyapan nito ngunit kaagad ding binabawi ang tingin 'pag nahuhuli n'ya 'tong nakatingin. Idagdag pa r'yan ang maaga nitong pag-uwi dahil bigla raw sumakit ang ulo nito. He wanted to know why Elisse didn't acknowledge that she knew him.

But, how will Zach do that nang 'di nalalaman ni Troy? Lalo pa ngayong palagi silang magkasama ni Elisse dahil nagpa-plano nga silang dalawa sa napipinto nilang pagpapakasal. Instantly, his chest tightened by just the mere thought of Elisse being married to Zach. But, he tried his best to push it in the corner of his heart for now. How will he get her alone?

Pero, bakit ba kailangan pa niyang gawin 'yon? Maybe, Elisse just didn't really care kung magkakilala sila, na may pinagsamahan sila no'n. Siguro'y masaya talaga 'to sa piling ni Troy. How stupid of him! Of course, mahal ni Elisse si Troy. Magpapakasal nga 'to rito, e! He felt the familiar pang again. Pero, 'di niya na lamang pinansin 'yon.

Siguro'y ginagawa n'ya 'to for proper closure. Tama! Para nga ro'n. But, they didn't even became boyfriend-girlfriend. Pero, mayroon silang mutual understanding. Kailangan niyang malaman kung anong tunay na nangyari kay Elisse nang iwan niya 'to, kung bakit siya umalis ng Santo Cristo't kung paano nito nakilala si Troy. Elisse also deserves to know kung bakit 'di siya nakakapagpadala ng email dito, na ginawa niya ang lahat para ma-contact ito't siya pa rin ang tinitibok ng kaniyang puso hanggang ngayon. No! Siguro'y 'di na niya dapat pang isali ang huling bahaging 'yon. Pagkatapos n'on ay 'di na niya 'to guguluhin pa. He'll be doing this just for his peace of mind. Oo! Para sa ikatatahimik ng puso't kaluluwa niya.

Suddenly, Zach remembered something. Kaagad siyang nakaisip ng paraan. Tinawagan niya si Troy. Una'y kinumusta't nakipaghuntahan muna siya rito. 'Di kalaunan ay dinako niya ang usapan sa kaniyang tunay na intensiyon.

"Troy, I'm going to give you and your fiancée my wedding gift in advance," Zach said directly.

"The honeymoon?" tanong ni Troy.

"Yes," Zach confirmed. "I'm inviting you both to stay at Alta Tierra. Piyesta kasi rito. I guarantee you that it is just not an ordinary feast like you've ever. Tourist destination ang okasyon na 'yon dito sa Santo Cristo. I've had a firsthand account of it."

"Gusto ko rin sana, tol. Kaso alam mo namang busy kami ni Elisse para sa preparation ng kasal namin," Troy declined nicely.

Sa una pa lang ay inasahan na ni Zach ang pagtanggi ni Troy. Pero, pinaghandaan na niya 'yon. "Next year pa naman ang balak n'yo, 'di ba? Matagal pa naman 'yon. Ako nga, from US, ngayon lang ako ulit umuwi dito sa Pilipinas after a very long time just for you. 'Tapos, ikaw, 'di mo man lang ako mapagbigyan," sumbat niya.

Nagbuntong-hininga ng napakalalim si Troy na kulang na lang ay lumabas 'to sa kabilang linya. "Sige na nga. Pero, isang araw lang, ah."

"Isang araw?!" bulalas ni Zach. "Alam mo bang one week ang celebration ng piyesta dito sa Santo Cristo? Kain at tulog lang ang magagawa n'yo no'n dito! How about six days?"

"That's a very long time, mate!" reklamo ni Troy. "I think two days are enough."

"Five," Zach insisted.

"Three," tawad ni Troy. "And it's final."

Gusto pa sanang humirit ni Zach ng four. But, he can already sense the irrevocability of Troy's offer. Kesa naman sa wala'y kinagat na niya 'yon. He'll just think of a way how to make the most of it. "Fine. Deal. Saan at kailan ko kayo susunduin?"

A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon