Chapter Fifteen

6.1K 248 6
                                    

Ikalawang araw na nina Troy at Liza sa Alta Tierra. Tama nga si Zach na 'di sapat ang isang araw na pananatili sa Santo Cristo para magawa ang lahat dahil tanghali na rin sila dumating kahapon.

Magkasamang natulog sa isang kwarto sina Troy at Liza habang sina Zach at Gillian ay nasa kabila naman nila. Troy was a gentleman because he let Liza slept on the bed alone habang siya naman ay sa sofa.

Nang magising si Liza'y naisip niyang gisingin si Troy upang palipatin sa kama para 'to naman ang matulog doon. Ngunit, 'di niya rin tinuloy dahil napansin niyang maayos naman ang kalagayan ni Troy doon.

Bago lumabas ng silid ay nagtungo muna siya sa balcony. Binuksan niya ang French window at lumabas. She was truly amazed by the view. Tanaw niya ang kalawakan ng Pacific Ocean. Nakita niya ang mga ibong nagliliparan sa kalayuan. Ang mga nag-uunahanang alon na humahampas sa batuhan sa ilalim. Ang makapal na kagubatan. It was breathtaking. She decided to fill her lungs with the exotic morning breeze.

"Beautiful..."

It wasn't the echoing waves and, most of all, it wasn't just her imagination. It was a crystal clear baritone voice of a man. Dumilat siya habang nananatiling nakahawak sa barandilya ng terrace. Lumingon siyang muli sa kwarto upang tingnan kung gising na si Troy. Pero, hindi pa.

"Good morning, Elise."

Narinig niyang muli. She suddenly knew who's speaking. Isang lalake lang naman ang nakakaalam sa kaniyang palayaw no'n. Lumingon siya sa balkonahe ng katabing silid at nakita niya roon si Zach na matimtimang nakatitig sa kaniya.

How can he look so gorgeous as hell upon waking up?! Ang kaniyang katamtamang haba ng buhok ay nililipad ng hangin mula sa karagatan. Namumungay pa ang kaniyang mga mata. Beads of sweat, na marahil dulot ng umagang pag-eehersisyo sa terrace, were trickling down to his broad chest, down to his firm abdomen and downwards just above his...

Napalunok si Liza ng kaniyang laway. Suddenly, a white heat flowed down to her tummy. A dirty image formed in her mind sa kung anong maaaring bumubukol sa ilalim ng suot nitong pang-ibabang pajama. She quickly withdrew her eyes from it nang tumikhim si Zach.

"Enjoying the view?" Zach asked teasingly. A devilish grin was handsomely painted on his face.

The nerve of this guy! Liza protested in her mind. 'Di niya alam kung mas maiinis ba siya sa kahambugan ni Zach o sarili. She felt the awkwardness of the situation kaya mas pinili na lamang niyang bumalik sa loob ng kwarto.



LIZA was sitting on the edge of the bed nang makarinig siya ng katok mula sa pinto ng kwarto. She stood up and opened the door.

"Good morning, Elise," bati ni Zach sa kaniya bitbit ang isang tasa ng kapeng barako na nakapatong sa saucer. "Coffee?"

Muli sanang isasara ni Liza ang pinto. Ngunit napigilan siya ni Zach. "Anong ginagawa mo rito?!" nanggagaliiting wika ni Liza sa mahinang tinig.

"I just wanted to talk to you," pabulong na tugon ni Zach.

"Baka magising si Troy anumang oras," ani Liza. Pagkatapos ay lumingon sa tinutukoy na mahimbing pa ring natutulog.

"Sandali lang naman," Zach insisted. "Besides, we can talk outside."

Liza just knew that Zach won't let her go. Nagbuntong-hininga muna siya ng napakalalim at saka pinagbigyan 'to. Lumabas siya't dahan-dahang sinara ang pinto.

"Mabilis lang," patiuna ni Liza kay Zach. "Hahanapin kaagad ako ni Troy pagkagising niya."

Zach nodded and smiled at Liza.

A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)Where stories live. Discover now