Chapter Eleven

6K 262 2
                                    

Six years passed. Liza graduated as suma cum laude from the University of the Philippines where she took Business Management as her course. Kasulukuyan siyang nagtatrabaho sa kompanya ng Kristine Cement under Kristine Group of Companies where she's an office worker... for now. Everybody knew that she's overqualified for that job. 'Yon nga lang, ayon sa mga big bosses niya'y kailangan muna niyang magsimula sa ilalim. She wholeheartedly accepted their decision. Ang mahalaga'y mayroon na siyang maituturing na stable job.

"Uwi na, Liza," aya ng officemate niya sa kaniya nang madaanan siya nitong nasa harapan pa rin ng computer. "Kaagad kang mapo-promote n'yan sa ginagawa mo, e. Mami-miss ka namin 'pag nagakataon."

"Sira ka talaga, Becca," nangingiting wika ni Liza rito. "Ii-email ko lang lahat ng reports ko."

"Tapos?" usisa ni Becca kay Liza na animo'y may inaasahan pang karugtong ang sentence nito.

Liza sighed heavily and gave Becca what she wanted to hear while she's uploading the files. "Tapos susunduin ako ni Troy."

Sa sobrang kilig ay napapalo si Becca sa dingding ng cubicle ni Liza na kinagulat naman ng huli. Napailing na natatawa-tawa na lamang si Liza sa reaksiyon nito. Maya-maya'y bigla na lamang tumahimik at napatulala si Becca sa malayo. "Speaking of the handsome devil."

Pinaikot ni Liza ang kaniyang swivel chair sa direksyong hinahayon ng tingin ni Becca. There he is. Striding closer to her with all of his glory. His Levi's almost served as his second skin. His denim polo accentuates his lean and muscular body perfectly. Lalo pa 'tong gumwapo sa suot nitong RayBan shades.

"Hello, Becca," Troy greeted her.

"Hi," bati rin ni Becca rito, still gawking at Troy dreamily.

Nagtataka si Liza kung anong klaseng hormones meron ang mga Fortalejo at mas lalong gumagandang-lalake si Troy sa paglipas ng mga taon. Ito na rin ang dahilan kung bakit sa palagay ng mga lalake sa kanilang angkan ay sila ang pinakamagandang regalo ng Langit para sa mga kababaihan sa ibabaw ng lupa.

Liza held Becca's chin and gently returned her jaw to its normal position. "Isara mo 'yan," she suggested jokingly. "Baka pasukan ng langaw."

"Sorry," Becca apologized awkwardly.

Inalis ni Troy ang salamin niya sa mata't yumuko para halikan si Liza. When their lips met in a chaste kiss ay napakasaya ni Becca para sa kanilang dalawa. "Are you ready, my dear?" tanong ni Troy.

"Sige na. Ako ng bahalang mag-shutdown ng computer mo," Becca volunteered. "Nakakahiya naman kung paghihintayin mo pa si Mr. de Silva."

"Thanks, Becca," pasalamat ni Troy dito na may kasamang kindat.

"You're welcome, sir," ani Becca.

"C'mon!" aya ni Troy.



"HAPPY anniversary, my dear!" maligayang bati ni Troy kay Liza.

Today's Valentine's Day at ang ika-anim na taon din ng relasyon nila Troy at Liza. Troy reserved a VIP table for them in their favorite French restaurant.

"Happy anniversary din sa 'yo," Liza greeted Troy back. "Here's my gift for you." Mula sa loob ng kaniyang bag ay dinukot niya ang regalo niya para sa kasintahan.

"Nag-abala ka pa," Troy accepted it excitedly.

"Of course," Liza said.

"Wow!" manghang bulalas ni Troy nang matapos niyang buksan ang regalo't malaman niya kung anong nasa loob n'on. A Rolex watch!

"Pagpasensiyahan mo na ang regalo ko sa 'yo," wika ni Liza. "Alam kong marami kang mas mahal pa r'yan. Pero, 'yan lang kasi ang nakayanan ng budget ko sa ngayon, e."

"Ano ka ba? I like it!" Troy said, genuinely happy. Hinubad n'ya ang kaniyang suot na relo't ipinalit ang bigay ni Liza.

Deep inside, Liza's very glad na nagustuhan talaga ni Troy ang gift n'ya para rito. Pagkatapos ay biglang dumating ang waiter bitbit ang una sa kanilang mga order.

"Bonsoir, monsieur, madame," He greeted them good evening. "Here's your appetizer. Vichyssoise."

"Thank you," pasalamat ni Liza.

"You're welcome. Please, let me know if there's anything that you need. Bon appetit!" Pagkatapos ay iniwan na sila ng waiter.

Hindi naman sa umaasa si Liza na 'pag nagbigay siya ng regalo kay Troy ay bibigyan din siya nito. It's just that, nakasanayan n'ya lang 'to. Troy proceeded eating ng walang inaabot o binabanggit lamang kung may gift din 'to sa kan'ya. They're both silently scooping and sipping their cold soup nang parang may nakain yatang matigas si Liza. Niluwa n'ya 'yon at kinuha sa pamamagitan ng kan'yang mga daliri. "What's this?"

It's a ring.

Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong masipat ni Liza kung anong klaseng singsing 'yon dahil kaagad na kinuha 'to ni Troy mula sa kaniyang pagkakahawak. Instantly, Troy was on his knees before her.

On that cue, lumapit ang mga musician na 'di malayo sa kanilang kinaroroonan at pinalibutan sila. They started playing the instrumental of a love song which gave a romantic atmosphere to the whole place.

"Liza..." he began talking. "I fell in love with you the first time I laid my eyes on you. Pinukaw mo ang lahat ng aking emosyon. Attraction, disgust, passion, anger..." Sa tagal ng kanilang pinagsamahan ay kaya na ni Troy sabihin ng diretso kay Liza ang lahat ng kaniyang damdamin. 'Di katulad nang dati na parang umuurong ang dila niya sa tuwing kaniyang ipapahayag ang tunay na nararamdaman para rito.

"Sa loob ng anim na taong pagsasama natin," he continued. "'Di ko na alam kung anong gagawin ko 'pag nawala ka pa sa 'kin. I think I'll go crazy or I'll probably kill anybody who tries to steal you from me. Kung kaya naman sa tingin ko'y panahon na upang sa umagang paggising ko'y ikaw ang nasa tabi ko, sa maghapong pagtatrabaho'y ikaw ang uuwian ko't sa gabing pagtulog ko'y ikaw ang kapiling ko. And I'm praying that you also want the same thing." Then, he raised the solitaire properly as if offering his gift to a queen. Then, he asked the million dollar question to her. "Liza, will you marry me?"

Liza was awed by Troy's offer. Her mouth covered by her hands. Ni sa hinagap ay 'di niya akalaing magpo-propose 'to sa kaniya ngayong araw na 'to. She thought that this would just be an ordinary anniversary date.

It's true that she's happy with Troy. Pero, wala pa sa isip niya ang lumagay sa tahimik. It's not that she doesn't want to settle with Troy. It's just that... that...

"Liza..." Naputol ang pag-iisip ni Liza nang abutin ni Troy ang isang kamay niya. She saw the golden bracelet once more. Tila may pinapaalala 'to sa kaniya.

The past, she thought.

Again, she's facing a life-changing decision. Sandali siyang nagmuni-muni.

Ano pa bang hahanapin niya kay Troy? He's the man of any girl's dreams. Mabait, gwapo, mayaman and, besides, malaki ang utang na loob niya sa lalakeng 'to. She's indebted to him with her future and life. Kung 'di nito binili ang kalayaan niya nang matagpuan siya nito sa night club ay maaaring napariwara na siya ngayon at ang kaniyang pinakaiingat-ingatang puri't dangal ay marahil na matagal ng nasira. Kinikilabutan siya sa tuwing maiisip 'yon. Isa pa'y 'di niya maaatim na wasakin ang puso ni Troy. 'Yon ang mga pangunahing dahilan kung bakit humantong siya sa isang desisyon. She opened her mouth and said: "Yes, Troy. I'll marry you."

Troy's lips formed into a breathtaking smile. Sinuot niya ang engagement ring sa palasingsingan ni Liza. He got on his feet, wrapped his arms around his fiancée and whispered, "I love you..." to her ears.

"I love you, too," Liza replied plainly.

A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)Where stories live. Discover now