Chapter Seven

6.7K 282 9
                                    

Vivian was enjoying with Rodge's company. Si Luisa naman ay pormal lang kay Dax. Habang si Elisse naman ay tahimik lang sa tabi ni Troy.

Troy can't believe Elisse. Isa 'tong G.R.O. pero daig pa nito ang isang matimtimang birhen sa sobrang pagkamahiyain. Or maybe, that's the impression she wants him to believe. From his assessment, she's doing a job well done. But, he knew that he's smarter than she thought.

Pero, nakikita ni Troy ang pangangatog nito. Marahil ay giniginaw 'to dahil sa kalamigan ng buong paligid. 'Di katulad ng mga kasamahan niyang babaeng pinapainit ang kanilang mga katawan sa pag-inom ng alak. Elisse wasn't even touching her drink.

Troy was thinking that maybe she's just faking it. Iniisip niyang baka 'yon ang paraan ni Elisse para mahulog ang loob nito sa kaniya. But, acting or not, gumana ang kaniyang pagiging gentleman. He removed his jacket and placed it on Elisse's back na kinabigla ng huli.

"'Wag mong tatanggalin 'yan," utos ni Troy kay Elisse.

Tinigil ni Elisse ang akmang pag-alis ng jacket para isoli 'yon kay Troy. His command was as stern as his voice. 'Yon ang unang beses na narinig niya 'tong nagsalita. Pero, 'di pa rin siya kumibo. 'Di niya alam kung pa'no pakikitunguhan 'to.

'Di sinasadyang nahagip ng kaniyang mga mata ang bracelet na suot ni Vivian. 'Di n'ya 'yon nilubayan ng tingin habang nakasimangot. Gusto niyang kuhain 'yon mula rito. Pero, pa'no niya gagawin 'yon ng 'di siya makakakuha ng pansin sa mga tao sa paligid?

"So, you like her bracelet, eh?" mapang-uyam na tanong ni Troy kay Elisse nang mapansing nakatitig 'to sa ginintuang polseras ni Vivian.

"Akin 'yan!" depensa naman kaagaad ni Elisse.

"Aba't nakakaintindi ka pala ng English," 'di makapaniwalang puri ni Troy kay Elisse. 'Di n'ya lubos isiping maiintindihan kaagad nito ang sinabi niya.

"Oo naman," Elisse answered smugly. "High school graduate yata 'ko. Valedic–" She decided not to continue her sentence dahil alam niyang 'di maniniwala si Troy sa sasabihin niya. Baka pagtawanan lang siya nito at sabihing mapangarapin siya.

"Ituloy mo ang sasabihin mo," Troy ordered. Then, he drank his beer.

"Wala," tanggi ni Elisse.

Nagharing muli ang katahimikan. But, it was Troy who broke the silence once more. "Well, pa'no naman naging sa 'yo ang bracelet na 'yon?" usisa niya.

"Binigay 'yon sa 'kin ni..." her voice trailed off. She decided not to tell Troy about Zach. She thought of another person. "...ng Inay ko," she lied.

Nakita ni Troy ang paglambong ng mukha ni Elisse nang maalala nito ang nanay niya. Kahit gano'n ang trabaho ni Elisse ay parang 'di niya gustong maging malungkot 'to. He finished the bottle of his beer in one big gulp and decided to stand up from his seat para lumapit sa kinaroroonan nila Rodge. Hinablot ni Troy ang braso ni Vivian kung saan nakasuot ang bracelet ni Elisse.

"Isoli mo na 'yan sa may-ari," mariing utos ni Troy.

Iwinaksi ni Rodge ang kamay ni Troy mula sa pagkakakapit nito sa braso ni Vivian. "What's the problem, Troy? Wala namang pakialaman ng babae, oh!"

"'Di ko pinapakialaman ang babae mo, Rodge," paglilinaw ni Troy. "And besides, I paid her for you. So, technically, she's also mine. Pero, 'wag kang mag-alala wala naman akong balak na agawin siya sa 'yo. May babawiin lang akong 'di sa kaniya. I'm sure you don't like a kleptomaniac girl stealing your things, too. Pero, kung ayaw niyang isoli ang dapat niyang isoli, marami pa naman siguro tayong pagpipiliang babae r'yan na pwede nating bigyan ng malaking tip." Pagkatapos ay sinilip niya ang panibagong pangkat ng mga babaeng nagsasayaw sa ibabaw ng entablado.

A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)Where stories live. Discover now