LUMABAS sina Zach at Liza ng mansyon at nagtungo sa tabing-dagat. Bumaba sila sa pamamagitan ng hagdang-bato. Napakalamig ng simoy ng hangin. Mabuti na lamang at binalabalan niya ang sarili ng dala niyang sarong. Pinanonood nila ang unti-unting pagtagos ng mga silahis ng haring araw sa kalangitan.

"Anong nangyari sa 'yo, Elise?" si Zach ang unang bumasag ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa ni Liza.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Liza kahit alam niya ang ibig sabihin ni Zach. She wanted specific questions.

"Pa'no mo nakilala si Troy?" paglilinaw niya sa kaniyang mga tanong. "Bakit ka umalis ng Santo Cristo? A-anong nangyari k-kay Aling Henrietta?"

Liza's face saddened at the mention of her late mother's name. "Pinatay siya matapos pagsamantalahan," nakayukong sagot ni Liza.

Nagtiim ang mga bagang ni Zach. "Nahuli na ba ang demonyong gumawa n'on sa Inay mo?"

Umiling si Liza. "Hindi pa. Siguradong nakalimutan na nila ang kasong 'yon."

Kinuyom ni Zach ang kaniyang mga kamao sa labis na galit dahil sa kawalan ng hustisya para sa ina ni Liza.

"At alam mo bang sinisisi rin kita sa nangyaring 'yon," dugtong ni Liza.

Nabigla si Zach sa winika ni Liza. "A-ako?! Wala 'kong kinalaman do'n! Alam mong nasa ibang bansa 'ko ng mga panahong 'yon."

"Kaya nga!" pagpapatibay ni Liza. "Nagpunta ako sa Internet café nang araw na 'yon. Aalamin ko kung nagpadala ka na ng message sa 'kin. Dahil 'yon ang pangako mo! 'Di ba kinuha mo ang email account ko? Pero, wala! Kung sana'y maaga 'kong umuwi sa 'min no'n 'di sin sana'y buhay pa siguro ang Inay ko."

Liza's eyes were almost teary. Nababanaag ni Zach ang paggaralgal ng tinig nito. Naaawa siya para rito. Nais niya 'tong lapitan para ikulong sa kaniyang mga bisig. Pero, naunang gumawa si Liza no'n sa kaniyang sarili. Zach stopped himself because of that.

"I'm sorry," Zach apologized sincerely. "I'm very, very sorry. Pero, gusto kong malaman mong nagpapadala 'ko ng mga mensahe sa 'yo. Nagtataka lang ako dahil lahat 'yon ay nagba-bounce pabalik sa 'kin. Naisip ko ngang baka non-existent ang account na binigay mo sa 'kin. Na baka inimbento mo lang 'yon para 'di na kita kulitin pa."

Kunot-noong tiningnan ni Liza si Zach. "Totoo ang binigay ko sa 'yong email address. Elissedearest. Hanggang ngayon ay 'yon ang ginagamit ko."

"Huh?" nagtatakang-usal ni Zach. "Kaya nga. Elisedearest. E-L-I-S-E-D-E-A-R-E-S-T!" He spelled out.

"Mali!" Liza contradicted. "Elisse's double 'S'!"

"Ano?!" bulalas ni Zach. 'Di siya makapagsalita. That's the most idiotic mistake he's ever made.

Nang makilala ni Zach si Elisse nang teenager pa lamang sila'y 'di niya naalalang tanungin ang buong pangalan nito. No'n lamang nasa Amerika na siya't naghahanap siya ng paraan para ma-contact ito'y napagalaman niya mula kay Caleb na Elizabeth Ybañez pala ang kaniyang buong pangalan.

Bakit ba 'di pumasok sa isip ni Zach na baka mali lang pala ang spelling niya ng palayaw ni Elisse? Of course, sino bang mag-aabalang alamin pa ang tamang baybay ng palayaw ng mga tao as long as nabibigkas niya 'to ng maayos? 'Di ba't ang mahalaga'y tama ang spelling ng tunay niyang pangalan? Bukod pa ro'n ay alam niyang isang 'S' lamang ang common spelling ng Elise. But, he knew that that minor detail caused him to lose her for all those years. He sighed deeply, shook his head repeatedly habang nagpapalatak. Nararamdaman niya ang panghihinayang dahil sa katangahan. He overlooked everything.

A Kristine Series Fanfiction: Elisse, Dearest (Completed)Where stories live. Discover now