"What the hell is wrong with you? Sinabi ko bang tumawag ka?", masungit na sabi nito. Napakunot ang noo ng dalaga. Ano na naman ang problema nun?

 

"Ha? Eh kasi naisip ko lang na..... Argh! Bakit ba kasi ang sungit mo ngayon? Nag-alala lang naman ako baka may nangyaring hindi maganda!", nakakainis na! Sya na ang concern, sya pa ang susungitan!

 

"Just leave me alone! At wag mo na akong tatawagan!" then he hang up!

 

GRRRRRR!!! That guy! Mas malala pa sa menopausal na babae! Bahala nga sya! Ang arte ng buhay nya! Hmp!

 

Pinatakbo na nya ulit ang sasakyan. Mainit lang talaga siguro ang ulo ng amo nya. At dahil minalas sya, sya ang napagbuntunan ng galit. Kakaloka lang!

 

 

MONDAY. OFFICE DAY. FIRST DAY OF THE WEEK.

 

Start the day right, ika nga. Pero gaganda pa ba ang araw mo kung ang sasalubong sayo, busangot na mukha ng amo? Hanggang ngayon ba, mainit pa rin ang ulo nya? Grabe! PMS!!!! Whoooo!

 

"Sir---"

 

"Nasaan ka nung Sabado?", medyo nagulat pa ang dalaga sa tanong ni Lance. Kaya hindi sya agad nakapagsalita.

 

"I'm asking you!", napapitlag naman sya sa boses ng amo. Medyo pasigaw na kasi ang boses nya.

 

"Ah eh... Nagmaneho po ng taxi, sir!", he just glared at her.

 

"Yung totoo?", lalo syang naguluhan.

 

"Yun naman po ang totoo, Sir...", yun naman talaga ng totoong nangyari e. Nag-drive sya ng taxi for 2 days. Dahil nga may pinuntahan ang tatay nya.

 

"Dammit, Joey! Stop lying! Nakita kita nung Saturday sa restaurant. You were with a guy! And who is he? Boyfriend mo? Pinaglalaruan mo lang ba ako, Joey? Ha???!!!", nakakatakot na ang tono ng binata. Galit na talaga. Pero ang nakakapagtaka, sino yung sinasabi nyang boyfriend? E wala nga sya kahit isang manliligaw! At ano yung sinasabi nyang pinaglaruan sya?

 

"Eeehh... Wait lang... A-Ano yun? Anong pinaglalaruan? Sorry, nahulog yung IQ ko. Di kita ma-gets!", she tried to be funny just make the situation lighter. Sobrang dilim na kasi ng mukha ng Lance at baka masapak na sya anytime!

 

"Will you stop playing dumb? I know you know what I mean!", galit na sabi nito.

 

"Sir naman.. Kaya nga itinatanong ko kasi hindi ko alam e.. Ano ba kasi yun? Hindi kita magets talaga."

 

"At pilosopo ka pa ngayon??"

 

 

"Hindi naman sa ganun, sir. Ang gulo nyo kasi kausap e. Hindi ko kayo pinaglaruan.. Paano ko naman gagawin yun?"

 

Lady Taxi Driver (AVAILABLE IN NATIONAL BOOKSTORE AND PRECIOUS PAGES STORES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon