Chapter Sixty Eight- Memory and Fantasy

Magsimula sa umpisa
                                    

“Gising ka pala.” hindi ko alam kung nahihiya ba siya dahil sa ginawa niya o natatawa dahil alam niya naman talagang hindi ako tulog. At dahil ginantihan ko yung halik niya?

“U-umalis ka na nga!!” hindi ko alam kung maniniwala siya kahit wala naman talagang conviction yung boses ko. Pero dinaan ko na lang sa lakas. “Bakit ka ba nanghahalik!?” naasar ako dahil hindi naman talaga bagay sa’kin ang magsabi ng ganito. Lalo pa’t pinahiga ko nga siya sa kama ko. Kama pa talaga dito sa ospital.

“Nanghahalik??” nakangitisiya ng bahagya.

“Dun ka nga sa Cleo mo?!” ‘di ko maiwasang banggitin. Eh yun naman talaga ang laman ng utak ko kanina pa. Simula ng mabanggit niya yun, bigla ko na lang naalala lahat.

Yung video na nakita ko sa kwarto nila Orange na may label na Silver Jeremy & Cleo Reese. Yung video na nagpupunasan sila ng ice cream? Yung sinabi niya dati na hindi niya pa daw nakakalimutan? Tandang-tanda ko pa nga nung sinabi niyang “Ex lang yun.” At sakto namang nandun si Terrence nung panahong yun sa labas ng bahay nila para ipamukha sa kanya kung ano ang ex.  Pero ano na naman nangyayari ngayon? Nadamay na naman si Terrence sa sitwasyon, at si Cleo na naman ang naririnig ko sa kanya. Bakit ganito?

T__T

Kasama ng mga bagay na yun eh naalaala ko yung dalagitang bumati sa’min dati. Nung nag-cutting kami ni Silver umagang-umaga para lang sa ‘date’ sa tabi-tabi. Nung time na napanalunan namin yung couple crystal ball.

“May girlfriend ka na ba kuya? Si Ate Cleo… wala na… hiwalay na sila…”

Natatandaan ko yan. Hindi ko makakalimutan. Yun yung sinabi nung bata na nakasakay sa minibus. Yun yung unang time na narinig ko ang pangalang yun.

At sa dami ng panahong narinig ko ang pangalang Cleo, ngayon ko lang mismong narinig na nanggaling yun kay Silver. Ngayon lang. Bukod doon sa oras na nakita ko siyang nagsalita mula sa loob ng isang kwarto dito sa ospital.

“Wala… Yung pasyente ni mama. Halika na at baka mahawa ka pa…”

Yun naman yung idinahilan niya nung tinanong ko kung sino yung sinsabihan niya ng “Magpagaling ka…”

 

Waaaah. Paulit-ulit na sa tenga ko. Unti-unti ng nabubuo yung kwento sa’kin. Si Cleo yung ex niya. Yung kapatid nung batang nakita namin dati na nagtatanong kung may girlfriend na ba si Silver. Yung babae sa video na kasama ni Silver. Yung babaeng di niya pa daw nakakalimutan. Yung babae sa ospital.

“Zylie”

“ANO?”

Niyakap niya na naman ako ng sobrang higpit. “Kahit mamaya mo na lang ako awayin. Mamaya na yung mga paliwanag… Promise… sasagutin ko lahat mamaya…”

Reyna ng Kamalasan: Zylie (Completed, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon