"Sino ba kasi yung bisita--AY PUSANG KINALBO." Napamura ako ng nakita ko si Jimin na nakaupo sa sofa.

"Umupo ka." Utos ni kuya sa akin pagkaakyat niya. Umupo naman ako kaagad kasi mukhang seryoso siya ngayon at wala naman akong magawa.

"Bakit nandito ka?"

"Mamaya na yang tanong mo kase ako muna may tanong." Sabi ni kuya nung tanungin ko si Jimin.

"Kyuri, nililigawan ka ba ni Jimin?"

Feeling ko lumabas na lahat ng pawis ko sa noo ko at lahat lahat. Wag naman sa kili kili, parang awa niyo na.

"L-liligawan pa lang.."

Si kuya, seryoso. Ako, kinakabahan. Si Jimin? Ayun, nakangiti.

"Gusto ko lang sabihin na..SANA MAGKATULUYAN KAYO." Tumayo si kuya at nagbow. Mukha siyang tanga.

"Kuya?!"

"Ano? Ayaw mo?"

"Ahm..ano.."

"HOI IKAW PANDAK, PAG ETO, SINAKTAN MO, HINDI KA NA SISIKATAN NG ARAW!" Ginaya niya pa yung boses ni FPJ at umaktong nagbaril baril. Alam niya bang nagmumukha siyang may topak at nakahithit ng Baygon?

Nagapir silang dalawa at nag-bro hug at tumawa bago umakyat ng kwarto si Jungkook.

Tinignan naman ako ni Jimin at ngumisi. Samantalang, iniwasan ko siya ng tingin.

"Liligawan na kita."

"Alam ko, di pa ba halata."

"Huwag mo akong pahirapan ah." Kinindatan niya ako at tumawa.

"TANGINA MO!" Binatukan ko siya.

"Aray! Ganyan ka ba sa taong gusto mo?" Umarte siya na parang nasaktan at hinimas pa yung batok niya.

"Oh, ano pang ginagawa mo dito? Layas!" Pagpapalayas ko sa kanya hanggang nakarating kami ng gate.

"Oi! Aakyat ako ng ligaw!"

"Tapos na ah!"

"Kay Jungkook kasi, hihi!" GAGO ANG LANDI!

"BAWAL, MAY HEIGHT REQUIREMENT!" Sinaraduhan ko siya ng pinto. Narinig ko na lang yung tawa niya bago ako umakyat papuntang kwarto ko.

Binaba ko yung bag ko sa gilid at humiga sa kama at tumulala sa kisame. Kinuha ko yung unan ko at tinakpan ko yung mukha ko.

"EEEEEEEEEEE KASI NAMAN E!" Tili ko. Oo na, ako na talaga ang kinikilig.

TANGINA KANINA KO PA PINIPIGILAN YUNG KILIG KO PUTA!

yehet, ohorat, yehet, ohorat, yehet, ohorat

Ay sino ba yung tumatawag. Narinig ko na naman tuloy si Sehun, siya kasi yung ringtone ko HAHAHAHA! Long lost brother ata ni Hoseok yun eh. Oh diba, Hotheok and Thehun.

Nuno sa Punso calling..

Aba't--

"Hello, wala kaming tindang yelo, sa susunod na lang."

[ babe! ]

"Ay, wrong number ka iho."

[ hoi kyuri gago to ]

"ANO BANG KAILANGAN MO NAUBUSAN NA NGA KAMI NG CHERIFER!"

[ wow makalait to akala mo matangkad ]

"CHE! Wala ka bang sasabihin? Sige, bye."

[ joke lang oi! wag mong ibaba! ]

"Anong gusto mong gawin ko? Itaas?"

[ corny pero dahil gusto kita sige tatawa ako HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA oh ayan tumawa ako ng 69 times, proud ka ba? ]

"TANGINA MO, BYE!"

[ HOI TEKA ]

"Ano?!"

[ labyu ]

*toottoot*

GAGO!

****

"HOY KYURI BILISAN MO MAY SUNDO KA!"

"TANGINA JUNGKOOK--ay weh sino?"

"Si Jin."

Oh ano, akala niyo si Jimin. Ulul.

"Anong nakain mo at naisipan mo akong ihatid papuntang school?"

"Bakit, masama? Leche to." Nangirap na naman tong bading na to bago kami sumakay sa kotse niya.

"Oi, alam kong nay nililihim ka. Dali, sabihin mo na."

Kahit kailan talaga, hindi ako makakapagtago ng sikreto dito.

Kinwento ko lahat sa kanya. Pati yung hinalikan niya ako..saka yung nililigawan na ako ni Jimin.

At eto siya ngayon, tili ng tili.

"GAGO MAY LABLAYP KA NA I'M SO PROUD OF YOUUUUU!"

"Uy, Jin. Kalma. Alam mong masama yan sayo."

"Ehh! I'm so happy talaga! Uh ho ho ho ho! Nakakaiyak tito boy uh ho ho ho! Nakakaloka talaga, Darla, let's go zumba."

"PAKYU!"

Ilang minuto lang ang nakalipas, nandito na kami. Pagkababa namin, nakita agad namin yung malaice cream na buhok ni Namjoon kaya nahanap agad namin yung tropa. Malamang si Jungkook, late na naman. Gagu yun eh.

"Asan si Jimin?" Tanong ko.

"HINAHANAP HANAP KITA~" Kanta nilang lahat. Tawa naman sila ng tawa. De seryoso, si Jungkook at Jimin na lang ang kulang.

Ay gago, pinagpalit ka na. Nagtanan na sila. #JiKook

Nagbell na at umakyat na kami papuntang classroom. Nandun na si Jimin kaya nagtaka ako. Pagkaupo ko, may nakalagay na Toblerone sa table ko.

"OI KYURI, THANK YOU!" Biglang agaw ni Namjoon sa chocolate, ngayon ko lang napansin na may letter pala.

May letter? Ano, vowel o consonant? HAHAHAHAHA ulul.

"Akin na nga yan! Porket kakulay mo."

"Ano ba! Hindi nga ako maitim eh!"

"Oo nga, kasi may snow ka sa ulo mo." Turo ko sa ice cream niyang buhok.

"CHE!" Binigay niya sa akin yung Toblerone at binasa yung letter.

Kyuri =),

hindi ka naman tanga para isipin na kinakain to at hindi ipinangwawalis at ipinagsusulat kaya sana kainin mo. at saka..pagkatapos mong kainin to..magtoothbrush ka gamit ang colgate, three times a day, brush with colgate, shik shik shik! isa, pagkagising, brush brush brush, dalawa, sa tanghali, brush brush brush, tatlo, bago matulog, brush brush brush! HAHAHA, uy aminin, kinanta mo. HAHAHAHA! LABYU YIEE KILIG SIYA :)

gwapong jimin

Pigil na pigil yung tawa ko kasi baka pagtinginan ako ng mga kaklase ko. Pasimple kong tinignan si Jimin. Nakatingin siya sa akin habang nakangiti. Kinindatan niya ako at naghand gesture na magtoothbrush daw ako.

Park Jimin, isa kang..cute na nilalang.

****

hi sorry kasi ang bagal ng updates hehe

natatandaan niyo pa yung clue? kung anong parating?
hehe malapit na

burger | jiminWhere stories live. Discover now