The Game Is Begin (3)

2.7K 86 9
                                    

Renz POV

Bakit bigla akong kinabahan? Bakit feeling ko may ng yayaring di maganda? Kanino naman? Kay Riza? O kay....

Si Ria hindi pa sya nababa hanggang ngayon.

"O pre saan ka pupunta?" Tanong ni Patrick nung bigla akong tumayo

"Sa taas, kinakabahan ako hindi pa kasi nababa si Ria hanggang ngayon" sagot ko

"Ganun ba? Samahan na kita" tumango ako, kaya nga madali na kaming pumunta sa second floor.

...

"Ang dilim, nakapunta si Ria sa dulo nito ng gantong kadilim" pag tataka ko.

"Teka, hanapin ko yung pindutan ng ilaw" may kinuha si Patrick sa bulsa nya, isa yung maliit na flashlight. Binuksan nya yun at hinanap yung bukasan ng ilaw. Nung nahanap na nya yun bumukas na ang mga ilaw.

*crack*

Napatingin ako sa baba ng may maapakan ako. Agad ko naman yun pinulot.

"Ano yan?" Tanong ni Patrick

"Kay Ria 'to, bracelet 'to ni Ria!" Kinabahan ako lalo ng makita ko yung putol na bracelet ni Ria, hindi ako pwde mag kamali, sa kanya yun kasi ako ang nag bigay sa kanya nun.

Tumakbo ako papunta sa dulo ng pasilyo dahil nandun yung kwarto nila. Pag pasok ko ng pinto, napanganga ako sa nakita ko.

"Shit!" Napamura si Patrick nung makita nya din.

"Ria? RIA!" napatakbo ako sa pwesto nya. Hindi ko alam kung hahawakan ko ba sya o ano. Hindi ko na makilala dahil sa itsura nya ngayon. Sunog ang balat nya hanggang leeg nya. "Ria" mahina kong sabi.

"Tatawagin ko sila saglit lang" tumakbo na si Patrick para matawag yung iba.

"Ria! RIA!" napaiyak na ako at niyakap sya... Bakit ganto? Bakit ganto ang ginawa sa kanya? Sumosobra na sya! Sobra na sya!!

"Anong... What the! Anong ng yari?" Sabi ni Brix

"Ria? Bakit ganyan ang itsura nya? Ria anong ng yari sayo?" Lumapit si Alexis kay Ria at umiyak na din 'to

"Buhay pa sya" sabi ni Marco habang hawak nya yung puslo ni Ria "pero mahina na yung pulso nya"

"Dadalhin ko sya sa hospital" binuhat ko si Ria. Bahala na, bahala na talaga basta kailangan nyang madala sa hospital kahit na sobrang layo ng bayan dito.

Higanti Ng Isang ApiWhere stories live. Discover now