Dead!

3.4K 113 1
                                    

"Tutuloy pa ba tayo?" Tanong ni Ria

"Pa-parang hindi ko kayang tumuloy. Mag didilim na eh" sabi ko

"Wag ka mag alala ako bahala sayo" sabay na sabi ni Brix at Marco kaya nag katinginan silang dalawa

"Ehem!... Ah kasi guys sayang naman kung hindi natin itutuloy diba?"-Eric

"Oo nga isa nalang eh, pero nakakatakot dun"-Patrick

"Tama ka dyan... ano hindi tutuloy, o hindi tutuloy?"-Ria

"Tutuloy tayo Ria, sayang dagdag grades"-Brix

"Ikaw lang naman may kailangan ng dagdag grades eh. Ikaw lang naman laging bagsak"-Ria

"Yun nga yun eh, so di nyo ba ko tutulungan mag karoon ng dagdag grades? Saka isa pa may teacher sa taas kaya di tayo dapat matakot"-Brix

"Alam nyo kung hindi pa tayo pupunta dun, malamang aabutin nga talaga tayo dun ng gabe"-Eric

"Tara na guys, kaya natin 'to ok? Kami bahala sa inyo"-Marco

"Takbuhin nalang natin ulit yun. Tara na" tumakbo na si Riza kaya sumunod na sa kanya yung iba... ako naman bago ako tumakbo hinawakan ni Brix at ni Marco yung kamay ko kaya nag katinginan na naman sila

"Bitaw" sabi ni Marco kay Brix

"Yoko, ikaw yung bumitaw"-Brix

"Ang sabi ko---"-Marco

"Guys tama na" tinanggal ko yung kamay nilang dalawa sa kamay ko "nauuna na sila oh, saka hindi nyo naman ako kailangan hawakan. Kaya kong tumakbo mag isa" sabi ko, pag tapos tumakbo na ako.

+++

Nung paakyat na kami papuntang 3rd floor, muntik ng mahulog si Patrick sa hagdan dahil bigla nalang syang tinulak nung lalaking pababa, buti nalang naalalayan sya ni Marco.

"Loko ka ha!" Nilapitan ni Brix yung lalaki at sinuntok nya 'to sa muka

"Oh easy, teka lang" awat nung kasama nung lalaki

"Easy?! Eh muntik ng mahulog yung kaibigan namin tapos sasabihin mo easy!" Galit na galit na sabi ni Brix. Ngayon ko lang syang nakitang magalit ng ganyan, madalas kasi tahimik at malamya ang bawat kilos nya. Kaya nga kala ng barkada may pag ka bakla sya

Higanti Ng Isang ApiWhere stories live. Discover now