Jealous???

4.3K 110 1
                                    

Alexis POV

Tag ulan ngayon... at dahil may bagyo ngayon, wala kaming pasok. Nakaupo lang ako sa sofa dito sa sala habang nanonood ng t.v

*ding dong!*

Napatingin ako sa pinto at agad na tumayo para buksan yun.

"Ang lakas ng ulan ha, sino kaya 'to?"-sa isip ko

Pag bukas ko....

"Oh Marco, anong ginagawa mo dito? Lakas ng ulan oh" sabi ko, ngumiti lang sya sakin

"Kamusta?" Tanong nya

"O-ok lang" sagot ko... bakit parang iba yung aura nya? Bakit parang ang saya saya nya, samantalang kagabe halos pagod na pagod kami sa kakatakbo at sobrang takot na takot kaming lahat.

"Mabuti naman, hindi ko kasi yan natanong sayo kagabe kaya ngayon ko tinanong"

"Ah, dapat tinext mo nalang ako. Ang lakas ng ulan oh baka mag kasakit ka dyan"

"Edi papasukin mo ko para di na ako mabasa dito"

"Oo nga nuh... halika pasok ka muna" agad naman syang pumasok... nung isasarado ko na yung pinto bigla nalang may pumigil dito kaya binuksan ko ulit ito.

"Teka papasok din ha, ang lamig eh" sabi ni Brix

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko nung nakapasok na sya. Sinarado ko ulit yung pinto

"Wala ko magawa sa bahay, puro katulong kasama ko... wala sila ermats eh" napatingin sya kay Marco "nandito ka din pala pre, boring nuh wala kasing pasok"

"Ah... oo, ganun na nga"-Marco

"Umupo muna kayo" niyaya ko sila sala at pinaupo sa sofa. "Anong gusto nyo? Tubig or juice?"

"Ako nalang mag titimpla ng akin, gusto ko kasi kape"-Brix

"Wag na, si manang nalang pag titimplahin ko"

"Ano kaba ako na, kaya ko na mag timpla nuh" tumayo na si Brix "ikaw pre kape din ba gusto mo?"

"Hindi, juice nalang"-Marco

"Ok sige" pumunta na sa kusina si Brix, alam na nya pasikot sikot ng bahay namin dahil dito kami minsan natambay ng barkada pag walang pasok.

Higanti Ng Isang ApiWhere stories live. Discover now