Darkness

5K 129 11
                                    

A/N : ang sabi ko romantic/horror 'to pero dahil sinisipag ako mag isip ng nakakatakot na lines... tatakutin ko muna kayo saka na yung romantic. *cross finger* sana matakot kayo :)

+++

Ria POV

Takbo kami ng takbo nang bakrada... yung takbo na para bang wala ng katapusan, takbo na walang kapaguran!

"Bilisan nyo!" Sigaw ni Marco

Bakit ganto? Bakit feeling ko nasa ibang lugar kami... nasaan naba yung mga guard? Yung pulis na kausap namin kanina? Nasaan na sila...

"Aray" daing ko ng bigla akong nadapa

"Ria" agad na lumapit sakin si Renz "kaya mo pa ba tumakbo?" Tanong nya

"Oo" sabi ko, kaya inalalayan na nya ako tumayo

"Ok ka lang ba Ria?" Tanong ng barkada, tumango ako sa kanila.

"Napapagod na ako tumakbo, malayo na naman tayo sa building mag lakad nalang tayo"-Riza

"Sige"-Marco

"Guys sorry ha kung bigla akong tumakbo, natatakot lang talaga ako" sabi ni Patrick

"Ok lang yun lahat naman tayo natakot eh"-Brix

"6:30 na" napatingin kami kay Marco ng biglang lumakas yung hangin at dumilim ng husto

"Ma-marco" nanginginig na sabi ni Riza

"Waaaaahhhhh!" Tili namin ng girls nang biglang mamatay lahat ng ilaw sa mga pasilyo.

"Ang dilim"-Eric

"Ano bang nang yayari ha?!" Inis na sabi ni Riza

"Blackout ata" sabi ni Alexis

"Ngayon pa kung kailan nag mamadali tayo!"-Renz

"Sino may flashlight?" Tanong ni Marco

"Yung cellphone ko meron" sabi ni Alexis... "ito oh" inabot na nya kay Marco yung cellphone nya na nakabukas na ang flashlight

Alam nyo ba yung feeling na yung ilaw lang namin eh yung flashlight sa cellphone ni Alexis, miski kasi liwanag ng buwan wala!

"Ganto mag kapit kapit tayo, Ria hawakan mo si Renz,Renz hawakan mo si Patrick, Patrick hawakan mo si Eric, Eric hawakan mo Si Brix, Brix hawakan mo si Riza, Riza hawakan mo si Alexis... at ikaw Alexis humawak ka sakin" sabi ni Marco

"Teka baliktarin natin, Alexis sakin ka humawak tapos hawakan mo si Riza, tapos ikaw Riza kay Marco ka humawak" sabi ni Brix kaya nag palit ng pwesto yung dalawa.

Higanti Ng Isang ApiΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα