Final Game (final chapter)

3.4K 90 7
                                    

Renz POV

"Ehem!ehem!ehem!" Ubo ako ng ubo nung magising ako. Grabeng usok yung nalalanghap ko. Pag dilat ko, nasusunod na yung paligid ko, hindi ko alam kung nasa mansion pa ba ako. "Tulong! TULUNGAN NYO KO!" sigaw ko, tatayo sana ako pero naka kadena ang paa ko. "TULONG! TULONG!" sigaw ko ulit, ang sakit na sa ilong ng nalalanghap kong usok. Hindi na ako makahinga ng ayos.

"Ria? Nasaan kana?"-sa isip ko

"Tulungan nyo ko!" Nang hihina na ako. Pilit kong tinatanggal yung kadena sa paa ko ng may bumagsa na isang litrato. Litrato ng batang... Inapi ko nun. Napaiyak nalang ako ng maalala ko yung ginawa ko sa kanya. Kinulong ko sya sa banyo nuon. Kaya siguro kinulong nya din ako dito, yun nga lang mas doble pa ang mararamdaman kong sakit ngayon.

"Ahhhh!" Daing ko ng maramdaman ko yung init. Katapusan ko na, ito na yung bayad sa kasalanan ko nuon.

"Ria, kung wala kana wag ka mag alala. Mag kikita na ulit tayo. Mahal na mahal kita, sana mapatawad tayo ng barkada"

Iyak nalang ako ng iyak dahil alam kong wala na kong magagawa pa.

"AAAAAHHHHH!" sigaw ko habang unti unting nasusunog ang katawan ko.

+++

Alexis POV

"Nag bibiro ka lang diba? Hindi totoo yun diba?" Tanong ko sa kanya

"Hindi ako nag bibiro Alexis, ako at si Sebastian ay iisa" sagot nya

"Hindi! HINDI!" napaiyak ako sa nalaman ko. Barkada ko ang pumatay at nag papahirap samin ngayon.

"Ssshhh, tahan na" pinunasan nya yung mga luha ko, pero lumalayo ako sa kanya "Ayaw mo ba madamay ha? Kung ayaw mo. Ako nalang yung mahalin mo at ililigtas kita dito"

"Mahalin?! Naririnig mo ba yung sinasabi mo ha Marco! Paano ko mamahalin yung kagaya mong mamatay tao!!!" Nag iba yung expression ng muka nya. Halata sa mata nya yung galit.

"Yan tayo eh!!!" Lumayo sya sakin "nung mabait ako sa inyo hindi mo ko nagawang mahalin! Ngayon na ililigtas kita dito ayaw mo pa din?!!! Ano bang wala sakin na meron yang Brix na yun at sya pa yung napili mo!!! Gwapo naman ako! Matalino! Mayaman!! Ano ba ang wala sakin sabihin mo!!!" Galit na galit nyang sabi

Higanti Ng Isang ApiWo Geschichten leben. Entdecke jetzt