Good bye Eric

2.7K 87 18
                                    

Alexis POV

*kring*

"Hmm" ungol ko ng magising ako sa tunog ng cellphone ko, 3am na natapos yung JS kaya antok na antok talaga ako ngayon. "Hello?" Sabi ko pag sagot ko ng tawag

"Alexis lumabas ka ng bahay nyo ngayon bilis, nandito kami ni Marco sa labas bilisan mo" sa tono ni Brix parang nag mamadali sya

"Brix naman inaantok pa ko, pwde bang mamaya nalang ha"

"Alexis nag iintay yung barkada sa kanto. Iniintay nila tayo bilisan mo na"

"Ano ba kasi meron ha? Madaling araw na nga tayo nag hiwalay hiwalay eh"

"Alexis kasi...... Alexis, patay na si Eric" napabangon ako sa sinabi nya

"Ano sabi mo? Uupakan kita pag labas ko dyan" tumayo na ko at nag madaling lumabas ng bahay.

"Hindi ako nag bibiro, wala na sya" pinatay ko na yung tawag nung nasa gate na ko.

"Ayan na sya oh" sabi ni Marco kay Brix pag labas ko

"Paano ng yari yun? Anong ng yari ha? Paano sya namatay eh nasa JS lang kagabe" tanong ko

"Hindi ko alam, si Renz lang nag sabi samin dahil malapit yung bahay nila kay Eric diba? Hindi pa namin alam kung anong ng dahilan ng pag kamatay nya"-Brix

"Kung ako sa inyo pumunta tayo, nag iintay na din sila Patrick sa kanto"-Marco

"Sige tara na" sabi ko

...

Pag dating namin sa kanto, nandun na si Renz, Riza, Patrick at si Ria.

"Ria magaling kana?" Tanong ko sa kanya

"Yes, thank you kay Renz pinagaan nya loob ko kagabe" nakangiti nyang sabi

Higanti Ng Isang ApiWhere stories live. Discover now