5: AKALA KO

Depuis le début
                                    

"W-W-Wala." I snarled and held her wrist to pull her. Binigay ko sa kanya ang kalahati ng librong dinadala ko ang natira. Nagsimula na kaming maglakad pero nakita kong bumukas ang pinto ng music room at lumabas yung lalaki. Sinundan niya kami ng tingin na puno ng pagtataka kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para hindi magtama ang tingin namin. "Doon ako pupunta sa prep room kaya medyo malayo. Okay lang ba?" tanong ko kay Rhea para hindi halata na ninenerbyos ako.

Nang sawakas ay makalabas kami sa building 2 ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Tumango ang kasama ko sa tinanong ko. "Hm, it's fine. As long as I can ease your burden."

Naguguluhang tumingin ako sa kanya. Why is she doing this now all of the sudden? Isn't she going to bully me? "Ease my...?"

Her smile faded and her eyes are now full of regret. "I just want to say sorry because I couldn't stop Grethel and Suzy from bullying you. They don't really listen to me."

Gusto kong isipin na nakikipagplastikan lang siya sa akin, na nagpapanggap lang siya na mabait, pero nang marinig ko sincerity sa boses niya ay hindi ako nagdalawang isip na paniwalaan siya. They may be friends, but that doesn't mean she's also bad. It's a good thing she wasn't influenced by those two's nasty attitude.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Okay lang. Alam kong matigas talaga ang ulo nila." I answered.

Nagkatinginan kaming dalawa, at sa hindi malamang dahilan ay sabay kaming tumawa.

Kelliah's Point Of View

It's been two months mula nung pasukan. Dalawang buwan na naming nakasama si Ella. Dalawang buwan ng paghihirap, dalawang buwan ng pagtitiis.

Okay lang. At least may mga kaibigan akong alam kong hindi ako iiwan.

Marami na ang nangyari sa aming tatlo dito. Kahit masakit ay kaya namin to. Kakayanin namin.

We just have to withstand them.

Walang araw na lumipas na hindi nila kami binubully. Pinapatid, tinutulak, minumura, pinagkakaisa, at lahat ng bagay na gusto nilang gawin sa amin.

Minsan na rin nila kaming sinasabunutan, tinatapunan pa ng mga masasakit na salita. May moment pa na... may tumulak sa akin sa kalsada kaya nahulog ako sa putik.

May usap-usapan pa ngang kumalat na hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Gaya ng nilandi ko daw si kuya Neil kasi palagi niya daw akong kinakausap. Syempre mag-uusap kami, magkapatid kami diba?

Maraming may gusto kay kuya Neil pero hindi parin nila alam na magkapatid kami. Minsan na rin niya kaming nahuli na pinagtulungan pero pinapakalma at pinaalis niya lang ang mga tao. At tuwing lumalapit siya sa amin ay nagtatago si Ella o di kaya ay yumuko. Hindi pa daw siya handang makipagkita sa kapatid ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin masabi ni kuya sa lahat na magkapatid kami. Ewan ko rin kung bakit. He thinks it's unnecessary.

But all those times, kahit ganun ang pagtrato nila sa amin, hindi kami umiiyak.

Hindi na ulit...

Recess na at nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain ng tahimik.

Last day of exams ngayon pero kanina pa kami tapos. Napaaga nga ang paglabas namin eh. Whoo! Stress na stress ako nitong nagdaang araw ah!

Say hello to 3-days vacation!

Wala pang gaanong tao dito sa loob kaya peaceful pa. Mamaya kapag dumami na ang tao tsaka lang kami aalis.

"Saan kayo pupunta ngayong bakasyon?" tanong ni Ella.

"Wala naman akong planong mag-out of town. Baka sa bahay lang ako. Bakit? Aalis ka?" bumaling ako sa kanya.

The Top Teen ModelsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant