Pinanliitan niya ako ng mata. "Tama nga ang sinasabi ni Hanz sa akin. Napaka-judgemental mo nga." she joked, hindi pa rin nawawala ang titig niya sa akin.

"Nag-usap kayo ng Varquez na yon?!" Anong kalokohan na naman ang iniisip ng isang yon?

"Ah... Siya pala yung Varquez na tinanong mo sa akin last week." she nods, train of thoughts running inside her mind. "Siya ang unang kumausap sa akin kanina. Hinahanap ka niya."

"Bakit daw?"

"Ewan ko rin. Iyon lang ang sinabi niya sa akin bago sabihin na mahilig ka daw manghusga ng tao."

Kung anu-ano na ang sinasabi ng mokong na yon. Tsk, pati si Mayka, dinadamay pa.

Tinignan ko ulit siya. "Don't you dare change the topic, Fuertes." Tinuro ko siya.

Bumuntong hininga siya. "Hindi nga kasi siya tulad ng inaakala mo. Mabait siya, Kell. Hindi siya katulad ng mga kaibigan niya."

"Paano nga kasi k--"

Natigil ako sa pagsasalita nang magring na ang bell. Timing naman at pumasok si Ella kasunod ang teacher namin. Sumilip ulit ako kay Mayka bago tinuro. "We'll talk later."

**

Jazzella's Point Of View

Naglalakad ako papunta sa English prep room dala dala ang English workbook ng buong klase. Nabibigatan ako sa mga libro kaya tumigil muna ako sa tahimik na corridor at inilapag ang mga ito sa sahig para saglit na magpahinga. Medyo malayo ang building 4 at nangangalay na ang mga kamay ko dahil sa dami ng dala ko.

Hindi naman talaga ako ang inutusan ng teacher namin pero pinasa sa akin ng isa sa mga gago boys ang trabaho niya at nagmamadaling umalis. In the end, wala na akong nagawa pa kundi ang sundin ang inutos niya. Baka mapahamak pa ako bukas kapag nagkita ulit kami.

Mabigat ang paghinga ko dahil sa pagod nang makarinig ako ng instrumento, tunog ng acoustic guitar. Tahimik ang paligid dahil nagsiuwian na ang iba at malapit nang magdilim. Sinundan ko ang tunog ng gitara at tumigil ako sa labas ng isang room. Tumingin ako sa taas at nakitang nasa harap pala ako ng music room.

"Bakit pa kelangan ang rosas... Kung marami namang nag-aalay sayo"

Kanta ng narinig kong boses. His voice is sweet and husky. It's so good and soothing to the ears, nanindig yata ang mga balahibo ko dahil sa ganda ng boses niya. Manly yet at the same time, sweet.

Diniin ko ang aking tainga sa pinto para mas marinig ang tugtog, pero hindi ko pa rin marinig ng maayos kaya hinawakan ko ang doorknob at dahan dahang binuksan. Sumilip ako sa loob at nakita ang isang lalaking hawak ang gitara habang seryosong nagsa-strum. Sa kanya galing ang boses.

"Sabay ang tugtog ng gitara... Idadaan na lang sa gitara"

Siya yung nakita ko sa open field, yung nakikinig sa akin habang kumakanta ako. I can't believe he has this soft voice amidst his stoic and hard face. It is so surprising and unexpected—

"Hi, Ella."

"Ay put—" Nang marinig ko ang boses mula sa likuran ko ay aksidente kong nasara ng malakas ang pinto kaya nanlaki ang mga mata ko. Hinarap ko ang boses ng babae na siyang tumawag sa akin. "R-Rhea?"

"Yeah, hi." She smiled sweetly. "I saw you earlier carrying those books so I was wondering if you needed some help."

"A-Ah... Yeah, medyo mabigat nga."

Ngumiti ulit siya sa akin pero nagtaka nang makitang namumutla ako. "Is something wrong?" tanong niya at tinignan ang pinto na nasa likod ko. "Anong sinisilip mo dyan?"

The Top Teen ModelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon