"Nathan," sabi niya at bigla siyang natawa. "And you know what? Si Vince ang nagbigay ng pangalan niya."

"Vince?" Who's that?

"I mean, si Mitsuo. Sorry, nasanay na akong tawagin ang totoo niyang pangalan."


Bigla naman akong napaisip. Come to think of it, I don't know their real names since we always call each other with our alternative names. I want to know their names.


"Nathalie." Nabigla naman ako sa sinabi niya at halos makalimutan ko ang ability niya na makabasa ng isip kahit na nakasarado. "If that's what you want to ask." Napangiti naman ako.

"Rielle," sabi ko naman at bigla akong may narealize. "So kaya ba Nathan ang ipinangalan niya para nakasunod sa pangalan mo?"

"I think so. That guy is sentimental even though he doesn't look like one."


Talking like this, I wonder how long would it last? Kung pwede lang sanang magtagal ng ilang taon na ganito pero alam kong imposible. Alam kong hindi na mangyayari.

Bigla naman akong nakaramdam ng matinding pagkahilo at bumagsak sa lupa ang tuhod ko. Narinig ko ang pagsigaw ni Naomi pero unti-unti na 'yung humihina. Pinakiramdaman ko ulit ang mga kamay at paa ko pero unti-unti na rin itong nawawala. Natakot ako. Sobrang natakot ako kaya hinigpitan ko ang paghawak kay Rainie at maging si Demi ay niyakap ko rin. Hanggang sa bumalik ang pandinig ko at nakita ko ang pagpapanic sa mukha ni Naomi.


"Ayos ka lang ba—oh my God." Nakita niya ang dugong dumadaloy sa paanan ko at natulala siya sa akin. "You...are you crazy..."


Kahit pakiramdam ko ay mahahati na ang katawan ko ay pinilit ko pa ring tumayo. Muntik na akong matumba pero inalalayan niya ako at humawak siya sa bewang ko. Nagsimula akong maglakad pero pinigilan niya ako.


"Magpahinga muna tayo. You can't walk like this—"

"Naomi, please." Seryoso ko siyang tinignan at hinayaan kong basahin niya ang isip ko. "I need to see him. I want to see him. Please."


Hindi ko alam kung patak lang ba ng ulan ang dumadaloy sa mga pisngi niya pero pumikit siya at huminga nang malalim.


"Fine. I'm going to assist you. Ilang metro na lang ang layo natin sa grassland. See?" sabay turo niya sa harapan namin at nakikita ko ang isang open field sa kabilang dulo at ang katabi nitong gubat. At pagkatapos nun ay ang campus. Napangiti ako nung makita ko 'yun. Kaunti na lang. Makikita ko na siya.

"Thank you," bulong ko at pinagpatuloy namin ang paglalakad.


Gusto ko rin sanang makita ang iba bukod kay Naomi. Gusto ko silang makausap at humingi ng tawad sa ginawa ko sa kanila. Gusto ko silang kamustahin. Namimiss ko ang mga pinagsamahan namin at ang mga oras na nakalimutan kong Shinigami ako dahil naging masaya ako sa kanila.

Maybe it's because of my strong desire to see them...or because I'm pushing myself to do it...but I opened my mind and although it's almost impossible, I tried reaching for theirs.

Opening my mind triggered some memories about them—Akira and Michiko with their antics, Mayu's calculating gaze, my conversation with Mitsuo in the hospital, Naomi's exceptional observation skills, and of course, Hideo's words and actions towards me. I grasped my head because my own memories are drowning me and I felt a sharp pain piercing through my skull. I don't even know if I shouted or cursed because of the overwhelming thoughts flowing through my mind and the throbbing pain inside my head. My knees collapsed again and I didn't bother to get up this time because of the intolerable pain.

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon