Chapter 01 - He's Coming Back (June 26, 2018)

Start from the beginning
                                    

"Samahan mo na ako at magsukat ka na din para makita ko kung anong itsura ng damit sa magandang katawan."

"Hay nako ikaw talaga ate Mia. Hindi ka naman mataba."

"Bola!"

Nakatapat ang dalawang babae sa maliit na salamin sa kwarto ni Jane at tawang-tawa si Jewel sa itsura ni Miala.

"O bakit ka natatawa diyan. Kanina lang sinasabi mo sa'kin hindi ako mataba tapos ngayon tawa ka ng tawa sa tyan ko?"

"Grabe kasi ate. Hindi ko inexpect na medyo may tyan ka pala?"

"Kaya ikaw. Huwag kang iinom ng beer. Nakakalaki talaga ng tyan. Tapos dadamay na ang braso mo." Pinisil-pisil ni Miala ang lumalaki na niyang braso. Aminado naman siyang tumataba talaga siya at hindi lang talaga itong beer belly. "Magda-diet na nga ako."

"2 weeks na lang ang wedding ni ate ano pang ipapayat mo?"

"Sobra ka!!!"

Nagtawanan ang dalawa. And at that point, tinanggap na ni Miala na wala na talaga siyang magagawa sa katawan niya. Kailangan niya nang i-embrace ang Love Your Body attitude kahit na ang totoo, hiyang-hiya siya sa nanay niya dahil ang kamahal-mahal lang naman talagang katawan eh 'yung healthy. And with her beer belly, hindi niya 'yun magawa.

Pero ngayon, dahil wala naman siyang boyfriend o crush na gusto niyang pakitaan ng alindog, hahayaan niya na lang at hindi na siya mageeffort sa loob ng dalawang lingo. Inuman din naman kasi ang tuloy pagtapos ng kasal nila Jane.

Natapos sila sa pagsusukat nang magpicture nang may tumawag kay Jewel sa telepono at iwan siyang mag-isa sa kwarto. Bababa na sana siya nang mai-pack niya na ng maayos ang infinity dress nang makita niya sa isang sulok ang mga materyales para sa invitation.

Kahit pa naman noon, DIY girl na si Jane. Sa isip-isip pa nga ni Miala, kahit siguro bongga ang kasalan nila Jane at Tommy, pipiliin pa rin ni Jane na gawin ang buting-tingin ang sarili nitong invitation. Gustong-gusto kasi nitong espesyal at pinagaksayahan nito ng pagoda ng bawat gagawin. Naisip ni Mia na kung siya lang, kahit wala silang pera, hindi niya 'yun kaya. Bukod sa hindi siya artistic at creative, tamad pa siya.

Napatawa na lang si Mia at biglang may naisip. Gusto niyang silipin ang mga natapos na nitong invitation. Alam niyang sa isa sa mga drawer na malapit sa mga raw materials na 'yun ay iilan sa mga invitations. Kahit naman kasi alam na ng lahat ng imbitado ang date ng kasal, pang formality pa rin ang invitation ni Jane na siguro mga ilang araw na lang ay ipapamigay na nito at ni Tommy.

Sumilip muna si Miala sa pintuan, making sure na wala pa si Jewel dahil kahit papaano ay ayaw niya naming sabihing pakielamera siya.

Nang wala siyang naramdamang footsteps at kahit anong ingay, binuksan niya ang isang drawer at namangha siya sa nakita. Nandoon nga ang black invitations na may blue cut outs na napakagandang ginawa ni Jane. Ibang klase pa rin talaga ang art skills ni Jane na kahit dati pa man nung high school sila, nakakakuha na ng mataas na marka. Hindi mo masasabing DIY lang. At ang mga letra ng imbitasyon ay nakasulat sa silver ink sa sobrang legible script ni Jane.

Abot langit na sana ang pagkamangha ni Mia sa ganda ng handwriting ni Jane na parang tinype ng computer, hanggang sa may napansin siyang isang pangalan.

Isang pangalan na akala niya hindi na niya ulit makikita at mababasa.

Best Man: Lenard Atlas Nobleza.

Kailangan niya pang pilitin ang sarili niyang lumunok para matanggal ang bara sa lalamunan niya.

Nabitawan niya rin ang papel dahil sa nginig na bumalot sa kamay niya na umabot na sa buong katawan.

I Heart Kuya (Completed, 2019)Where stories live. Discover now