Nagpaalam na ko na aakyat na sa kwarto after kumain. Tumango lang sya. Pagdating sa loob, agad na lumapit ako sa closet at namili ng isusuot.
Nahirapan akong magdecide. Tsk. Ano ba isusuot ko? Pants ba? Skirt? Short shorts? Tsk. First time namin lalabas kaya dapat presentable ako..
Hindi pa rin makapag decide kaya nagpasya muna akong mag shower. Mga labing limang minuto siguro ang itinagal ko sa banyo.
"You're not yet dressed?" Halos mapatalon ako sa gulat ng paglabas ko ng banyo bumungad sa harap ko si Raven. Fresh na fresh. Naka khaki short lang sya na above the knee at simpleng white shirt saka sneakers. Mas lalo syang nagmukhang bata..
"Grabe ka, ginulat mo naman ako. Bigla bigla kang sumusulpot. At saka san ka naligo? Bilis mo naman".
"Sa kabilang room. Ang tagal mo kasi, 11 am na oh". Sagot nito na tumingin sa wrist watch nya.
"Ang bilis ko na nga naligo eh, ito nga magbibihis na ko". Since naka casual lang naman pala sya, yung short, short ko na lang na tattered ang laylayan ang sinuot ko tapos white shirt din. Para couple kami. Hihi...
"Bilisan mo, I'll wait for you in the car". I heard her say before leaving the room..
Nagbihis ako ng madalian. Pero since babae ako nag apply pa ko ng face powder at lip balm. Para mas lalo akong gumanda sa paningin nya.
Bino- blow dry ko na yung hair ko ng sunod- sunod na busina ang marinig ko. Pag tingin ko sa watch ko, another fifteen minutes pala ulit ang ginugol ko. Di ko na tinapos ang pagtuyo sa buhok ko. Baka ma bad shot na naman ako dun sa babaeng bugnutin. Tsk.
Ini-unplug ko na lang yung blower at hindi na nag abalang iligpit pa, nagmamadali ng lumabas ng kwarto..
"I'm coming!! Jeez.." sigaw ko ng bumusina na naman sya ng paulit ulit..
"Gooossh, I waited for ages!" Complain agad nito hindi pa man ako nakakaupo sa front seat..
"Sus, wala pa ngang 1 hour. Ni hindi ko na nablower yung hair ko o, wag ka na simangot iniibig ko". Pa cute kong tease sa kanya.
"Tigilan mo nga ako Shannon, mag seatbelt ka, next time pag sinabi kong ganitong oras tayo aalis dapat ready ka na. Hindi yung talo mo pa ang artista sa tagal mag ayos"
Napa pout ako, para kasi syang nanay na pinapagalitan ang pasaway na batang paslit...
"Oo na po. Hindi na po mauulit mahal na reyna. Ipagpaumanhin nyo po ang aking pagsuway sa itinakda nyong oras, hayaan nyo po sa susunod--wait did you just say next time??" Bigla kong nasabi ng mag sink in yung sinabi nya. "So does this mean may susunod pa tayong date??"
"How may times do I have to tell you that this is not a date??" Kunot noo na naman sya..
Nanahimik na lang ako bago pa matuluyan ang pagkairita nya sakin..
T
ahimik kaming nagbyahe. Wala pang masyadong traffic kaya mabilis kaming nakarating sa mall. Pagka park namin deretso na agad kami sa loob. Unang pinuntahan namin yung toy store. Kulang na lang bilhin nya lahat ng klase ng laruang nandun..malayo layo pa naman bago mag pasko so imposibleng magpaka santa claus agad sya..
Lumabas kami sa toy store tulak ang dalawang push cart na punong puno ng laruan. Next na pupuntahan daw namin ay yung children's clothes naman. Ganun din ang nangyari after. Halos hindi na kami magkamayaw sa dami ng bitbit at push cart na tulak tulak.
Tinanong ko sya kung para saan yun. May out reach program daw yung center nila for special children na walang kakayahang mapatingnan ng magulang nila kung ano ang diperensya. Yearly daw nila gawin yun since itinatag nilang magkakaibigan yung therapy center.
Ini-load muna namin mga pinamili sa kotse bago bumalik ulit, late na lunch na daw din kami dun.
We dine at Abe's. Sinigang, Crispy pata at bicol express yung inorder namin. Hindi uso ang diet samin kaya kain militar ang ginawa namin. Walang imikan. Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig at yung ingay sa mga katabing table namin.
"Burrrrp, whoops sorry" hinging paumanhin ko. Busog na busog ako. Feeling ko puputok yung tyan ko sa dami ng nakain.
Natawa lang naman si Raven. "Wipe your mouth, para kang bata".
Nag bill out na sya. Nagpa alam muna akong magbabanyo. Baka mukha na akong dugyot.
Umihi muna ako bago nag retouch then lumabas na ulit ng banyo. Pagbalik ko ready na si Raven. Akala ko uuwi na kami ng mag aya syang manood daw muna kami ng sine.
"Ayiiiee, sabi ko na nga ba date to eh!" Kinilig na pahayag ko.
"Kulit mo din no? Sabi ng hindi nga to date, since andito na din naman tayo sa mall at nagkataong showing ng gusto kong panooring movie, I might as well grab the opportunity. Next week sobrang busy ko na naman so wala na kong time to watch it" explain nito.
"Assees, di masama umamin" patuloy kong tukso..sinundot ko pa yung tagiliran nya..
"Manahimik ka nga, para kang bata"..anito na pumila na para bumili ng ticket.
Saglit lang naman sya. Agad nakabili ng ticket kaya nakapasok kami in no time sa loob ng sinehan. Di na kami bumili ng popcorn kasi mga busog pa kami. Hinanap na namin yung seat number namin bago naupo.
Trailer pa lang ng mga upcoming movies yung pinapalabas sa sa screen kaya chinika chika ko muna sya...
"Raven?" Tawag ko sa pansin nya.
"What?"
"Are you sure this is not a date?"..
I heard her chuckle. Ang cute lang. Sarap sa pandinig..tumingin lang sya sakin bago umiling iling..
"Raven?" Tawag ko na namansa kanya.
"Hmmm?".
"If this is not a date, do you mind if I hold your hand?". Tumingin sya sakin ng malamlam..
"No" she aswered without hesitation..
I smiled widely. I intertwined our fingers quickly. "And put my head on your shoulders?" Hirit ko pa.
Hindi na sya sumagot pero hindi naman tumutol nung humilig na ko sa kanya. Langhap na langhap ko ang bango nya. Naririnig ko din yung mabining paghinga nya..
Pumikit ako to savor the moment..namalayan ko na lang na tinatapik tapik na nya yung mukha ko..
"Hey, movie's done. You just slept the whole time".. gising nya sakin.
Pagmulat ko ng mata halos gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin. Konti na lang at magdidikit na yung mga labi namin.
Para namang may sariling isip yung kamay ko na humaplos sa maamo nyang mukha.
"If this is not a date, d-do you mind if I kiss you?" I whispered hoarsely.
Again, she didn't answer, but to my surprise, she's the one who cross the small distance between us...
The moment our lips touch, it's like a bolt of lightning strike my whole being. The kiss was soft yet fiery. It's like a bee sucking nectar in a beautiful flower. A cat licking it's bowl of milk. A song with a soulful melo---.
Bigla kaming naghiwalay ng bumaha ang liwanag sa paligid. Shocks, nasa loob nga pala kami ng sinehan! Tsk.
We both giggled. Tumayo na rin kami at sumunod na sa mga taong lumalabas.
"Shannon?" She called this time..
"Yeah?"
"Your hand looks heavy. Let me carry it for you". Hindi na nya ko hinintay sumagot. Hinawakan na nya agad yung kamay ko. HHWW na kami na lubos kong ikinatuwa..I was smiling from ear to ear.
I have a feeling, that tonight's gonna be a good night. That tonight's gonna be a good good night....
Nagkatinginan kami ng biglang pumailanlang sa nadaanan naming stall ang awiting yun. Pinisil nya ang magkahugpong naming mga palad. Umuwi kaming parehong may ngiti sa mga labi...
YOU ARE READING
It Started With A Lie
RomanceShannon,- ang spoiled brat na iniwan ng kanyang first ever at long time boyfriend, kaya naman hindi nya ito matanggap. Nais nyang makuha ang hustisya at mapaghigantihan ang "babaeng" umagaw sa boyfriend nya. Mapag tagumpayan kaya nya ang binabalak a...
Chapter 15
Start from the beginning
