Alien XXV

4.6K 341 56
                                    

"Ano ba ang problema mo ah?" tanong ko kay BamBam.

"Ikaw. Bakit ba ayaw mo sundan mga pinagsasabi ko sayo ah?" bakit ganun? Magagalit na nga lang siya, gwapo pa rin? Huhu. Landi ko pwe.

"Kasi hindi ka si V. Hindi ka si Taehyung."

"Ang kulit naman nito, hindi na nga siya babalik!"

"Bitter mo uy. Ano breakfast natin, ampalaya?" ang corny ko diba? Kaiyaq.

"Let's make a deal." ay naks english, my nose is blooding. You is understanding?

"Banker is that you? Magkano offer natin?" pagbibiro ko pero pokerface lang siya. Jackson oh, kailangan ka daw niya.

Ulol otor, sinong Jackson?

"Gusto mo makaalala?" tanong niya.

"Syempre."

"Kaya kong ibalik ang mga alaala mo kung susundin mo lahat ng sasabihin ko bilang guardian mo." gusto ko makaalala pero ayoko na maging weird. Kung magiging weird man ako gusto ko si Taehyung ang kasama ko.

"Fine, deal." sabi ko sabay offer ng kamay ko. Baliw din ako noh. Sabi ko ayaw ko pero nakipagsunduan ako. Ganda ko kasi eh.

Pagkahawak niya sa kamay ko, bigla nalang akong napaluha. Naaalala ko na ang lahat.

"Ma, pa, si Taehyung nga po pala. Boyfriend ko." pagpapakilala ko kay Taehyung sa mga magulang ko. Nagulat naman sila sa sinabi ko.

"Boyfriend?" tanong ni papa.

"Opo sir, ako po ang boyfriend ni Nari." sagot ni Taehyung sabay ngiti. Mas humigpit naman ang hawak niya sa kamay ko. Mas kinakakabahan pa siya.

"Sino mga magulang mo? Ano trabaho nila?" tanong ni mama. Nalungkot naman siya bigla sa tanong.

"Wala na akong magulang. Namatay yung nanay ko nung bata pa lang ako at may ibang babae na ang tatay ko. Ako lang ang mag-isa sa buhay." paliwanag niya. Mukhang masayahin yang si Taehyung pero sa totoo lang madami siyang problema sa buhay.

"Saan ka nakatira?" tanong ni papa. Malamang sa bahay, tanga ni papa. De joke only, love you tay.

"May mga tumulong naman sa akin dati kaya ngayon may sariling bahay na ako." sabi niya.

"Ey, anong nangyayari? Sweg." tanong ni Yoongi na bagong gising. "Uy Taehyung!" bati niya. Si Yoongi lang talaga ang nakakaalam na kami na dati pa pero ngayon ko lang sinabi sa magulang ko tungkol sa amin. Madami pa silang tinanong kay Taehyung hanggang sa mapagod sila at pinauwi na siya.

"Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya hindi mapakali.

"Syempre. Kasama ko ang kalakasan ko eh." banat niya. Naks.

"Enebe V, kenekeleg eke. Hihihi." sabi ko sabay hampas sa braso niya. Cute kasi eh, lalo na doon sa part na may nunal tapos nagiging elephant, hehe.

"Landi nito." sabi niya sabay irap. Ay bakla.

"Bahala ka na nga sa buhay mo! Umuwi ka na! Mag-ingat ka! Gago ka!" sigaw ko.

"Opo madam. Putangina mo rin." sabi niya sabay heart sign.

Sa amin kasi, gago ka is equals to I love you. Putangina mo is equals to mahal kita. Sweet diba? Tapos kapag nagsabi ka ng I love you, ibig sabihin nun ay gago ka.

(After 1 year)

"Anak, makipaghiwalay ka na kay Taehyung." sabi ni papa habang kumakain kami. Muntikan ko naman maibuga kay Yoongi yung iniinom kong tubig.

"Pa naman eh, corny nanaman yang joke mo." sabi ko sabay tawa. Corny na nga, tumawa pa ako. Baliw ko diba?

"Seryoso ako ngayon." sabi niya bigla kaya napatigil naman ako sa kakatawa. Si Yoongi naman tahimik at hindi umiimik. Kinakabahan ako.

"Nari, aalis tayo. Hindi na tayo babalik." sabi ni mama. Napataas naman bigla yung kilay ko.

"Anong pinagsasabi ninyo?" tanong ko.

"Pupunta tayo sa Japan 2 weeks after. Pagkatapos nun hindi na tayo babalik dito." pagpapaliwanag niya.

"Makipaghiwalay ka na. Kayo lang din ang mahihirapan kapag pinagpatuloy niyo ang relasyon ninyo." sabi ni papa.

"KUNG AYAW NIYO KAY TAEHYUNG DAPAT SINABI NIYO SA AKIN DATI PA!" sigaw ko at umalis na.

Pagkatapos ng ilang araw, pinakita nila sa akin yung plane tickets namin pero walang ticket si Yoongi. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko pa din nasasabi kay Taehyung tungkol dito. Naiiyak nalang ako.

3 days bago kami umalis nun, nakipaghiwalay ako sa kanya. Ayaw kong maghintay siya sa akin lalo na't hindi ko alam kung kailan kami babalik. Ayaw ko siyang umasa. Ayaw ko rin na mahirapan kami lalo na't magiging long distance relationship kami. Hindi ko rin sinabi sa kanya ang totoo.

Kung sinabi ko lang sa kanya ang totoo...

[Taehyung's POV]

After 5 years

"TAKTE!" sigaw ko.

"BUMALIK KA DIYAN!" sigaw nung isa na may mahabang ano. Yung ano, sungay kasi!

Bumalik naman ako doon sa lugar na may mga malalaking apoy. Sadya bang mainit o nandoon lang talaga ako?

Pero realtalk, ang init. Feeling ko mamamatay ako dito. Teka, patay na pala ako. Patay na patay sayo. De joke lang, kay Nari lang ako uy.

7 years. 7 fucking years ko ng hindi nakikita si Nari. At ngayon nandito na ako sa impyerno. Oo, nandito na ako. Pinapatrabaho sa lugar na may mga apoy. Walang forever pero puta, mukhang meron dito.

Gusto ko na talagang makita si Nari. Gusto kong umalis dito at bumalik sa lupa. Pero wala talaga akong magawa, sa tuwing sinusubukan kong tumakas, lagi akong nahuhuli at mas pinapahirapan.

"Uy pre, gusto mo?" narinig kong sabi ng isang lalaki. Pamilyar yung boses niya.

"Ano yan?" tanong nung kasama niya.

"Jams. Mahirap makahanap ng ganito."

"O sige, penge ako."

Eh dahil sa gwapo ako, sinilip ko kung sino yun. Pamilyar talaga yung boses eh. Nagulat ako sa nakita ko. Bakit hindi ko agad yun naisip?!

"Namjoon?!" tawag ko at napalingon naman siya sa akin.

"V?!"

***

At doon na nagkaroon ng forever. De joke wahahahahaha! Corny ko pwe.

Last 5 chapters, I think.






My Guardian Alien [Taehyung ff]Where stories live. Discover now