"Sa kin? Anong kalokohan na naman yang naalala mo. Bastos ka talaga. Nung naliligo na naman ako"

"Hindi yun. Grabe sobrang bata pa tayo nun. Di ko nga yun naalala. Ikaw lang nakaalala nun."

"Oh ano na naalala mo"

"Nung tinanong mo yung mama ko kung pwede mo ba kong maging girlfriend. Grade 1 tayo nun. Haha. Those days"

"Wag ka nga. Di ko yan naalala"

"Denial haha"

"Bakit pinapaalala mo yan. Mapanakit ka din eh"

"Bat naging mapanakit?"

"Wala"

"Bakit nga kaya hindi naging tayo noh?"

Bigla akong napatingin sa kanya ng isang segundo at nagiwas din ako ng tingin. Di ko alam kung namula ba ako. O hindi. Di naman siguro halata dahil madilim na din.

Ayokong magsalita baka mautal ako.

Ayokong umimik baka di ko alam masabi ko.

Ayoko ring manahimik baka kung anong isipin niya.

"Lamig baba na tayo"

"Onga ang lamig eh. Sige baba ka na. Dito muna ako"

Bigla siyang parang naging malungkot na di ko alam. Nagbebend din yung mga puno sa labas na parang nagyuyukuan. Gumagalaw din ng mabilis yung mga ulap kaya natatakpan yung buwan. Makikita ko man saglit lang. Wala ring bituin na akala mo nagtago na silang lahat at matutulog na sila.

"Cess naalala mo dati yung pinag babahay bahayan natin?"

"Ha? Anong grade yan?"

"Nung kinder 2 dun sa attic ng bahay namin"

"Ahh. Sabi ko nga sayo basta below grade 1 di ko na naalala. Haha"

"Grabe ka. Yun dapat ang di mo kinakalimutan"

"Ano bang nangyari nun?"

"May sinabi ako sayo nun"

"Hala di ko maalala talaga."

"Alalahanin mo. Haha"

"Sabihin mo na lang. Ikaw na nakakaalala eh"

"Ayoko."

"Ganito na lang. Anong kapalit para sabihin mo?"

"Walang kapalit mamaya ko na sasabihin bago tayo bumaba"

"Daming alam."

Nanahimik na naman kami pareho. Walang nagsasalita. Nakatingin lang kami sa ulap. Dahil wala namang stars.

"Cess, tapon mo na kaya yang bracelet na yan"

"Bakit naman"

"Kung ako boyfriend mo at malaman kong ibang lalaki nagbigay niyan sayo. Magagalit ako sayo."

"Nagalit nga siya. Haha. Pero di ko to itatapon dahil lang nagalit sya. May mga bagay na di mo dapat bitawan dahil lang sinabi sayo. Matuto ka ngang magkaron ng sarili mong stand"

"May sarili akong stand. Kung nasaan man ako ngayon yun ay dahil yun ang tayo ko. I chose not to take risk sa mga bagay na natatakot ako. Alam mo namang matatakutin ako eh"

"Duwag ka kasi"

"Sino bang hindi? Kung sa lahat ng oras wala kang kinatatakutan. Hindi mo mararanasan yung pakiramdam ng umiyak dahil natakot ka."

"Di ko naman kailangang maranasang umiyak dahil natakot ako. Marami namang klase ng pagiyak."

"That's it. Iba iba tayo. Para sa mga taong kagaya ko. We chose to cry dahil natatakot kami kesa naman umiyak dahil nasaktan kami"

"Duwag ka nga. Kasi takot kang masaktan. Kasama yan sa buhay."

"Mabuti ng duwag. Minsan nililigtas ka ng pagiging duwag sa kapahamakan"

"O edi talo na ko"

"Walang nanalo. Going back. Anong sinabi mo nung pinapatapon niya na sayo?"

"Actually kanina lang to nangyari. Na truth or consequence kasi ako. Tinanong ako kung sino nagbigay sa akin nito. Ayaw ko namang uminom ng gatas alam mo namang ayaw ko nun. Sabi ko galing sayo. So issue-issue naman. Sabi ko pero bata pa kami nun kaya walang malisya. Tas lumabas siya. So sinundan ko."

"Tapos?"

"Ayun sabi ko bakit sya nag walk out. Sabi niya puntahan ka daw niya."

"Huy. Dat di mo kasi sinabi"

"Makinig ka muna. Sabi nia itapon ko na daw ngayon na. Edi nagalit ako. Sabi ko. Nung niregaluhan ako ng nanay ko ng damit nung bata ako. Di ko na nagamit, naglakihan na. Pinamigay na lahat. Binigyan ako ni daddy ng laruan galing japan dati lahat ngayon sira na. Eto lang ang regalong hanggang ngayon buhay pa. Tapos itatapon ko lang? Kung ako na lang ang natitirang bagay sa buhay mo gusto mo bang mawala din ako? Diba hindi? Hindi natin dapat sinasayang ang mga bagay na nagtatagal."

"Pano kung magasawa na kayo? Isusuot mo pa rin yan?"

"Hindi na"

Di ko alam kung malulungkot ako na di ko alam. Parang bigla akong parang naiiyak na hindi ko maintindihan.

"Bakit?"

"Maalala lang kita dito kapag suot suot ko to sa kasal ko"

Nanahimik na naman yung paligid. Walang nagsasalita. Nakatingin lang sya sa labas ako naman nakatingin sa kanya na nagtataka.

"9:52 na boy. Ang bilis. Baba na tayo" bigla niyang basag sa katahimikan.

"Sandali lang"

Tumingin siya sa akin.

"Sasabihin ko yung sinabi ko sayo. Way back nung kinder 2 tayo. Sagutin mo muna bakit maaalala mo lang ako kapag sinuot mo yan sa kasal mo" Tumingin lang sya sa akin. Tumingin ulit sya sa labas. Saka nagtali ng buhok.

"Kaya suot suot ko pa to. Kasi di pa ko kasal. Sa araw ng kasal ko. Tatanggalin ko to. Ibig sabihin tapos na yung paghihintay ko. Hindi tayo nagkatuluyan"

Nagulat ako kasi umiyak siya bigla. Pero wala namang tunog. Nakita ko lang talaga na nilukot niya yung mata nia.

"Baba na ko ahh"

Bumaba na siya derederetso. At naiwan ako sa terrace. Kinuha ko agad yung cellphone ko at tinawagan ko sya.

"Hello?"

"Bat bumaba ka agad"

"Mapapagalitan tayo kapag nagtagal pa tayo"

"Sasabihin ko na yung sinabi ko dun sa bahay-bahayan"

Di siya nagsalita.

"Sabi ko balang araw... Pakakasalan kita" Binaba ko na yung phone. Saka ulit ako tumingin sa labas.

Tumunog yung phone ko. Nagtxt si Cess.

"Natatandaan ko pa yang sinabi mo. Di ko lang sinabi para sabihin mo ulit"

---

One Shot of VodkaWhere stories live. Discover now