Chapter 51 Promise

Beginne am Anfang
                                    

"Imposible yan ma, magkasama palang kami kaninang madaling araw"

"That's the point, pagkahatid niya sayo dito, he was bumped by a truck. And he's now in a critical condition"

Parang gumuho ang mundo ko sa mga sinabi ni Mommy. Yung mga luha ko nag-unahan sa pagpatak. Agad naman akong niyakap ni Mommy. Bakit naman ganun? Ba't kailangan pang mangyari yun? Kahit hindi ako makakilos ng maayos dahil sa mga nalaman ko, pinilit ko paring maligo at magbihis.

Dali dali kaming pumunta sa hospital. Kasama ko sina Mommy at ang baby ko. Si dad pumasok sa work.

Nanginginig ako habang papalapit sa ICU. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Baka hindi ko kayanin eh. Si Ate Mich ang nadatnan ko dun, mukhang di pa nakakauwi ang mommy at Daddy ni Chase mula Japan.

Tinignan ko si Mommy na karga karga si Chester, tumango lang siya.Nanginginig kong binuksan ang pinto, pinagsuot muna ako ng lab gown, bago pinapasok dun sa pinaka loob.

Halos mahimatay ako ng makita ang Hubby ko na walang malay na nakahiga sa kama. Ang dami niyang pasa, at ang daming nakalagay na kung anu-ano sa kanya. Agad ko siyang nilapitan.

"Hubby" nanginginig yung boses ko, yung mga luha ko walang tigil sa pagpatak

Niyakap ko lang siya ng mahigpit, sanang pinatawad ko nalang siya kagabi, sanang hindi na ako nagpumilit na umuwi kina mommy kagabi. Hindi sana ito nangyari sa kanya. I know this is all my fault.

Naramdaman ko nalang na may kamay na humahaplos sa balikat ko. Pag tingin ko si mommy pala.

"Ma" agad ko siyang niyakap, kailangan ko lang talaga ng maiiyakan ngayon, Ang sakit kasi eh.

"It's my fault"

"Sanang pinatawad ko na lang siya"

"Ma, pangako ko pag nagising siya patatawarin ko na siya, magbabago na talaga ako"

"Ssshhh its okay anak, don't blame yourself, basta tuparin mo nalang yung sinabi mo" hinaplos haplos ni mommy yung buhok ko hanggang sa tumahan na ako, Binalik ko ang tingin ko kay Chase.

Ang dami niyang pasa at galos sa braso pati narin sa mukha.

"Mahal na mahal ka niya, I remember the time nung hinanap niya kami, he did everything para lang mapaniwala kami na buhay ka, napaka buti niyang tao" naka tingin lang ako kay Chase habang pinapakinggan si Mommy

I know Ma, Mabuting tao si Chase. Gusto kong sabihin sa kanya yan kaso wala na akong lakas para mag salita

"He loves you so much, kaya sana mapatawad mo na siya sa kung ano mang mga kasalanan na nagawa niya" dagdag pa ni Mommy, tanging pag tango lang ang naging sagot ko, naluluha na naman kasi ako eh

"Chase okay na, nangako na siya" sabi ni Mommy sabay tapik sa kamay ni Chase at lumabas na siya, nagtaka naman ako dun sa sinabi niya. Ano daw? Nangao na siya? anong ibig sabihin ni Mommy dun

Hahabulin ko sana siya ng may humawak sa kamay ko, pagtingin ko kamay ni Chase nakahawak sa akin, tiningnan ko naman siya nakapikit pa siya

Lumapit ako sa kanya. Gising na ba siya? Nilapit ko ang mukha ko sa kanya

"Kyaaaaahhh" napasigaw ako ng bigla siyang dumilat at nakangiti pa

"Wifey naman yung boses mo" sabi niya

O____O

"G-gising kana?" gulat na gulat na tanong ko

"actually gising naman talaga ako Wifey"

"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya

"Hindi talaga ako comatose" mahinang sabi niya

Para namang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko. SO that means...

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jul 11, 2013 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

You Got MarriedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt