“Nakita ko kayo ni Nathan kanina.” – simula niya, napatingin ako sakanya!

“Ano?” – nakaramdam ako ng takot dahil ayokong mag isip siya ng kung ano tungkol saamin ni Nathan..

“Lalapitan ko sana kayo pero nagbago ang isip ko ng makita ko kung paano ka niya alagaan..” – isinandal niya ang ulo niya sa bakal at tumingala, napansin kong mariin niyang ipinikit ang mata niya.. Napatingin ako sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko..

“Michael—“

 

“Alam ko wala akong karapatan na magselos Sabrina dahil pinapalayo na kita saakin.. Pero ako ‘tong parang gago na lapit ng lapit sayo..” – bulong niya..may karapatan siya dahil para saakin boyfriend ko parin siya, at siya ang ama ng dinadala ko.

Iminulat niya ang mata niya at tumingin siya saakin.

“Nagseselos ako Sabrina.” – napapikit ako ng halikan niya ang noo ko..

Nanatiling nakadampi ang labi niya sa noo ko ng maramdaman ko ang pagtulo ng luha niya. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa at tinitigan niya ako sa mata, ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko ngayong kasama ko siya, ngayong tinitignan niya ako sa mata.. Marahan kong pinunasan ang luha sa pisngi niya.

“Gusto kong ibalik yung panahon na hindi pa nangyayari lahat ng ‘to.. Yung mga panahong tinitignan lang kita masaya na ako..Pero ngayon, nasasaktan na ako dahil nakikita kong nasasaktan kita. At mas doble pala yung sakit kapag hindi na ako yung nasa tabi mo!” – sabi niya..

Bigla niya akong hinila palapit sakanya at niyakap ng mahigpit.

“Patawarin mo ako Sabrina!” – bulong niya!

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin..

 

“Mahihintay mo ba ako?” – tanong niya saakin.

“Kahit gano katagal Michael..hihintayin kita.”

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon