Chapter 29

67K 929 32
                                    

Chapter 29

 

 

AKIRA P.O.V

 

“Ate..may naghahanap sayo sa labas! Papasok na ako!” – sigaw ng kapatid ko..

Isang buwan na rin ako hindi lumalabas ng bahay pagkatapos ng mga nalaman ko! Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako sa tuwing naririnig ko sa isipan ko lahat ng pinagusapan nila Gary at Nathan, napabalikwas ako sa kama ng marinig ko ang sunod sunod na pagkalampag ng pinto ko!

Lumingon ako at nakita ko si Michael na halatang bagong gising palang dahil sa gulo gulo niyang buhok at medyo singkit niyang mata, nakapajama lang siyang blue na stripe at nakatop less.

“Wala ka bang balak tumayo jan?!” – iritadong sigaw niya, kunot na kunot ang noo niya.

“H’wag mo nga akong pakialamanan.” – walang ganang sagot ko!

“Tss, hindi mo ba narinig yung kapatid mo? May naghahanap sayo sa labas!” – bulyaw niya!

“Sabihin mo wala ako!” – utos ko saka nagtalukbong ng unan!

Narinig kong naglakad na siya paalis ng pintuan ng kwarto ko, huminga ako ng malalim sa pag aakala kong hindi na niya ako kukulitin! Pero napasigaw ako ng buhusan niya ako ng malamig na tubig!

“Acckk!! Michael ano ba!!!” – hiyaw ko!

“Tumayo ka na jan..Puntahan mo yung naghahanap sayo sa baba..Isang buwan ka ng hindi naaarawan sa labas!” – kalmado pa rin siya pero halata sa boses niya ang pagbabanta!

“Aish!!!” – tumayo  ako at hinila ang bath robe ko! Isinuot ko yon at padabog na lumabas ng bahay!

Naikuyom ko ang kamao ko ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko ngayon! Parang nag-akyatan ang lahat ng dugo ko sa ulo ko!

“Aira...” – tawag niya.

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon