Chapter 2

165K 2.1K 75
                                    

Chapter 2

 

 

Hindi ko maiwasang kabahan sa mga ikinikilos ni Michael. Dahil ang totoo niyan, kahit ganyan siya kayabang alam ko sa sarili ko na gusto ko siya,  at hindi lang basta gusto.. Dahil sa tingin ko mahal ko siya, palagi nga niya akong inaasar pero siya rin itong nagtatanggol saakin sa school tuwing may mga umaaway saakin.

Naglakad na ako papunta sa sala dala dala yung pagkain ko.

“Oh, Sabrina anak hinihintay ka ni Michael sa garden, sabay daw kayo kakain.” – sabi ni Mom.

“Ah, okay po Mom.” – sabi ko, napakamot ako ng ulo ko at naglakad na ako papunta sa garden..

Nakatingin siya saakin habang papalapit ako sakanya, pagkalapag ko ng pagkain sa lamesa hinila niya ako paupo dun sa tabi niya.

“Kinakabahan ka?” – tanong niya saka sumubo ng pagkain.

“Huh?! Bakit naman ako kakabahan??” – nauutal na tanong ko, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan..

“H’wag ka ng maglihim saakin. Kilala na kita Sabrina.” – nakangiting sabi niya saka mabilis na sinubuan ako ng pagkain gamit ang kutsarang ginamit niya rin.

Hindi na ako nakaimik pa.

“Nga pala, tutal wala naman tayong pictorial bukas, nood tayong sine.” – sabi niya.

“Paano kung ayoko?” – iritang tanong ko.

“Wala ka ng magagawa, sa ayaw at sa gusto mo manonood tayo. Ah!” – sinunbuan niya ulit ako.

Ganun lang ang nangyari kakain siya susubuan niya ako. Pagkatapos naming  kumain hindi muna kami umalis dito sa garden..

“Paano kung sabihin kong gusto kita?” – napatingin ako sakanya, pero nanatili siyang nakatingin sa langit.

“Anong pinagsasasabi mo jan?” – inis na tanong ko..

“Gusto kita. Pero hindi ko alam kung anong klaseng gusto.” – napakunot ang noo ko..tinignan ko lang siya..bigla siyang lumingon saakin at nagtama ang paningin namin.

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon