Chapter 4

133K 1.6K 52
                                    

Chapter 4

 

“Sabrina anak nanjan ka ba?”

Pareho kaming napatigil ni Michael, at rinig  na  rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko sa sobrang kaba..Ano ba kasi itong ginagawa ko? Nagpapadala nanaman ako sa emosyon ko..

“Tulog si Ate.” – Shane???

“Oh, bakit nandito ka? Diba may pasok ka?.. Nagmadali akong umuwi, dahil tumawag saakin si Manang, umiiyak daw ang Ate mo may alam ka ba dito?” – napalunok ako ng marinig ko nanaman ang boses ni Mom.

“Yeah. Pero don’t worry Ma, nakausap  ko na  si  Ate, ayos lang siya.” – seryosong sabi ni Shane, hindi  ko  alam pero nakahinga ako ng maluwag.

“Ganun ba? Oh sige magbibihis lang muna ako, kumain ka sa baba, may dala akong pagkain.” – narinig ko ang pagsara ng pintuan nila Mom, maya maya lang kumatok si Shane, hinila ko yung kumot ko  at itinapi ko saakin yon.. Sumilip ako sa pintuan.

Natatakot ako sa aura ni Shane..

“Ayusin mo ang sarili mo. Pauwiin mo na siya hangga’t hindi pa lumalabas ulit si Mommy. Mag uusap  tayo.” – pagmamatigas niya at saka tumalikod na..

Nasabunutan ko naman ang sarili ko, lumapit saakin si Michael.

“I’m sorry..” – bulong niya.

“No..no..I mean, hindi lang ikaw ang may kasalanan, pareho tayo.. Umuwi  ka nalang muna.” – sabi ko.

Isinuot na niya ulit ang uniform niya at lumapit ulit saakin, hinalikan niya ang noo ko.

“Magkita tayo bukas sa school,pag usapan natin ‘to.” – kita ko sa mata niya ang sensiridad, tumango  tango ako, bahagya niya pang pinisil ang kamay  ko  at lumabas ng kwarto ko, nakita ko pang hinarang siya ni Shane sa may hagdan at parang may sinabi siya dito.

____

“Kung hindi ko pa kayo sinundan nahuli na kayo ni  Mommy.” – sermon ni Shane.

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon