Chapter 23

75.6K 1K 63
                                    

Chapter 23

 

SABRINA P.O.V

 

“Pag isipan mong mabuti Sabrina, maghihintay ako..Pero sana..sana ako ang piliin mo.”

 

Paulit ulit ko yan narinig sa isip ko..Naglalakad na ako ngayon dito sa loob ng subdivision hindi na ako nagpahatid kay Nathan dahil naiilang ako sakanya, ayaw pa nga niya eh pero nagpumilit ako. Sinipa ko  ang maliit na bato na nakaharang sa dinadaanan ko at napatigil ako ng bumalik saakin yon.

“Michael?”

Nakatuon ngayon saakin ang mejo singkit niyang mata, napangiti ako ng mabasa ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya saakin mabilis akong tumakbo at yumakap sakanya! Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko.

“Michael..”

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya! Miss na miss ko na siya, narinig ko ang paghinga niya ng malalim.

“Sumama ka saakin..” – bulong niya, napabitaw ako sakanya at tinignan ko siya sa mata.

“Kahit ngayon lang gusto kitang makasama Sabrina..” – nakikiusap ang mga mata niya ngayon, dumulas ang kanang kamay niya papunta sa kaliwang kamay ko at marahan niyang pinisil iyon at mahigpit na hinawakan.

Hindi na niya ako hinintay pang sumagot, hinila na niya ako at naglakad kami palabas ng subdivision. Sobrang init ng palad niya at nararamdaman ko ang marahan niyang pagpisil doon.

Pumara siya ng taxi at sumakay kami, napatingin ako sakanya ng sabihin niya sa taxi driver ang lugar kung saan kami pupunta.

“Sa school?” – pagtataka ko sakanya, sa school namin nung high school kami pupunta.. Tumingin lang siya saakin sandali pero hindi na ulit siya sumagot.

Pagdating namin sa school, umakyat kami sa rooftop. Umupo siya sa sahig at sumandal sa mga bakal doon, tumabi ako sakanya. Sobrang lakas ng hangin at madaming bituin sa langit.

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon