Chapter 19

81.6K 1K 30
                                    

Chapter 19

 

SABRINA P.O.V

 

Ilang araw na ang lumipas simula ng makausap ko si Michelle..Hindi ako mapakali, gusto kong makita si Michael, gusto ko siyang tulungan..Pero paano ko gagawin yon kung may mga nakahawak sa leeg namin..

“Ms.Briones?!!!” – natauhan ako ng marinig kong sumigaw ang Prof ko.

“Kanina ka pa tinatawag ni Sir, may problema ba?” – bulong ni Nathan sa tabi ko.. Umiling ako bilang sagot.

Tumingin ako sa Professor namin at nakita kong galit na ang mukha niya.

“May naghahanap daw sayo sa lobby!” – pagsusungit ng Prof namin.

Tumingin ako sa pintuan at nandoon ang guard ng school namin.

“Excuse me lang po.” – paalam ko sa klase saka lumabas na..Pumayag naman yung Prof namin dahil siguro 15 minutes nalang tapos na yung klase namin..

“Sino daw po?” – tanong ko sa guard.

“Hindi ko alam iha eh, babae..Baka Mommy mo?” – napakunot ang noo ko.. Bakit naman pupunta si Mommy dito?

Pagkababa ko sa lobby, kinabahan ako.. Dahil si Tita Maria ang nasa harapan ko ngayon.

“Tita..” – bulong ko, ngumiti siya ng mapakla at hinalikan ako sa pisngi.

“May klase ka pa yata, pasensya ka na naistorbo pa kita. Nahihiya kasi akong harapin ang Mommy mo dahil sa nangyari..” – nakangiting sabi ni Tita, makikita mo sa mata niya na puno ng pag aalala iyon.

“Hindi po Tita, okay lang po.” – sagot ko, ako ang dapat na mahiya kay Tita Maria..

Niyaya ako ni Tita sa gilid ng school namin kung saan may coffee shop, umupo kami sa may window..

Young MindsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon