Chapter 40.2: Just one promise.

6.7K 247 53
                                    




Fall:

"Quinn!"

Napa lingon ako sa sumigaw at nakita ko ang barkada ni Quinn na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Hingal na hingal sila habang sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha sa mga mata nila.

"Anong nangyari?" Tanong sa akin ni Wynter nang makalapit sila.

Ngumiti ako sa kanila at hindi ko na ulit mapigilan ang pag hagulgol ko. Naka tingi lang sila sa akin at narinig kong nag simula na ding maghagul-gulan ang mga babae habang naka tingin sa pintuan ng ICU.

Tatlong oras na ang naka lipas at kanina ay nilipat ng ICU si Quinn pero may mga tumitingin pading nurse at doctor sa kan'ya

"Sumuma--- sumuka siya ng dugo. . . madaming dugo." Mahina at utal-utal kong sambit habang naka tingin sa kawalan.

Pilit na inaalis sa isipan ang nahihirapang mukha ni Quinn habang naka subsob sa inidoro ang mukha't sumusuka ng dugo.

"Tngina!" Sigaw ni Summer at sinapak ang dingding sa gilid ng ICU.

Hindi ko nalang siya pinansin at sinilip mula sa salamin ng pintuan si Quinn. Mula dito ay kitang-kita ko ang naka pikit niyang mukha.

Parang dinudurog ang puso ko ng makita ko ang mukha niyang may oxygen mask.

"I'm sorry to say this to you Fall." Napa tingin ako kay doc. Gutierrez na ngayon ay naka tayo sa harapan ko at malungkot ang mukha.

Nanginginig na ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay anytime ay magbe-break down na ng tuluyan ang katawan ko.

"Sobrang laki na ang tumor sa utak ni Quinn at hindi na siya magagamot ng chemo--" napa tigil ako at rinig na rinig ko ang iyakan sa likuran ko.

"Wait-- doc nagkakamali ka ata. . . ang. . . ang sabi ni Quin ay malapit ng mawala ang--- ang tumor ni---"

"Matagal ng hininto ni Quinn ang pagpapa gamot."

Parang tumigil ang buong mundo ko sa sinabing iyon ng doctor.

Tinigil? Bakit niya itinigil? Akala ko ba. . . akala ko ba ay kaya siya umalis para mag pa gamot? Akala ko ba ay patuloy kang ang chemo niya? Anong nangyari?

"Hindi--- hindi totoo 'yan. . . sabihin mo sa aking hindi totoo 'yan! Sinabi ni Quinn na itinutuloy niya ang chemo niya! H'wag--- h'wag kang mag sinungaling!" Malakas na sigaw ko habang umiiling at unti-unting napapa luhod.

"Sabihin mo sa aking. . . sabihin mong hindi to---totoo." Sambit ko habang napapa hawak sa dibdib ko.

Kalokohan lang ang lahat ng ito. Hindi totoo ang sinasabi ng doctor na 'to.

"Eight months na simula ng itigil ni Quinn ang pagki-chemo. Sinabk niyang wala ng dahilan para mabuhay siya at gusto nalang niyang mawala--" lalo akong napa iyak sa narinig ko.

Kung sana. . . kung sana ay nahanap ko siya agad. . . kung sana ay nakita ko siya agad ay sana napilit ko pa siyang ipagpatuloy ang pagpapa gamot.

Kung sana ay kasama ko siyang mga oras na iyon ay hindi mangyayari ang bagay na ito.

"After six months ay lalong nanghina si Quinn. . . nagulat nalang ako ng lapitan niya ako at sinabing gusto niyang mag pa gamot. Sinabi niyang gusto niyang gumaling dahil gusto pa niyang makasama ang mahal niya. . . na nasa tabi na niya ang dahilan kung bakit gusto niyang ipag patuloy ang buhay niya."

Ipinikit ko ang mga mata ko at gusto kong sumigaw. . . sumigaw ng sumigaw hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko. . . hanggang sa magising ako sa bangungot na ito at gumising sa tabi ng walang sakit na si Quinn. . . na gumising sa nakaraan para maitama ko ang lahat.

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Where stories live. Discover now