Chapter 33: Just act normal.

5.8K 275 31
                                    

Hi,
Sana po ay maramdaman niyo 'yung naramdaman ko sa chapter na to habang sinusulat ko. Promise, nasa banyo pa ako nun at nagwi-withdraw habang sinusulat ko ang first scene neto. Umiiyak talaga ako promise. Akala nga ng parents ko ay may nangyayari na sa akin sa banyo or what so ever dahil nagaano lang ako tapos biglang umiiyak. Hahahaha! 

Sana po talaga ay ma-feel niyo ang na feel ko dito sa chapter na 'to. 

And... Everything is on their own place guys. May mga pangyayari talaga na hindi natin maasahan. . . at may mga pangyayari din na ineme ko lang! Hahahaha! Enjoyy! 

TRIVIA: Sa totoo lang ay wala na akong balak dati ituloy ang kwento na 'to. Pakiramdam ko kase ay walang nagbabasa. Pakiramdam ko ay walang may gusto. So, dapat ay ide-delete ko na ang story na'to. But after 6 months ay unti-unting dumadami anh votes and reads. So, na excite at na inspired ako kaya pinag patuloy ko. Akala ko hindi na ako makakakuha ng mga votes dahil after 6 monthsbbago nasundan ang chapter 24 ata. . . pero laking gulat ko ng umabot ng 7 votes or something hanggan sa mag 10. S'yempre laking tuwa ko kaya ginaganahan na akong tapusin 'to.

Wait. . . trivia na bang maituturing 'yan? Ayy, hahahaha! Anyway, enjoy reading guys!! Love lots!

Quinn

Bata palang ako ng mamulat ako sa kamunduhang ito. Sa mundo na siyang unti-unting nagbabago. Sa mundo kung saan unti-unting lumalabas ang katauhan ng bawat katulad ko.

Maraming nagsasabi na imoral kaming tao. Imoral para suwayin ang kasarian na ipinagkaloob sa amin. Na imoral kami para mag mahal ng katulad na kasarian namin.

But what can we do?

Sabi nila digital na ang karma para sa mga baklang katulad ko. Na one day ay makakamtam namin ang sakit na mararamdaman namin kapalit ng pag suway ng kasarian na dapat ay para sa amin.

Siguro ito na 'yon.

Ito na ang karma ko para sa pag suway sa Kaniya. Na sa mismong araw pa ng pagka silang Niya ay naramdaman ko ang sakit na siyang pumapatay sa pagka tao ko. Ang sakit na hindi ko alam kung malulunasan paba.

"I'm sorry mister Aguilar, but based on your tests. Positive. The reason of your sudden head aches and bleeding because of your brain tumor." Sambit nang doctor sa akin na siyang ikinasimula ng pag bagsak ng mga luha sa mata ko.

Nanginginig ang katawan ko at hindi ko alam kung paano ako makakapag salita. Napayuko nalang ako at hindi ko na mapigilang mapaiyak.

"Thank you doc. We will contact his parents to know his condition." Rinig kong sambit ni Elaine sa doctor at maya-maya pa ay narinig ko nalang ang pag sarado ng pintuan ng hospital room ko.

"Quinn..."

Napa tingin ako kila Fiella at nagulat ako ng sunod-sunod din ang pag patak ng mga luha sa mata nila. Naka tingin lang sila sa akin at hindi alam kung lalapit. Bakas ang lungkot at sakit sa mga mata nila at kitang-kita ko kung paano manginig ang buong katawan nila.

"Bakit. . . bakit ako? Bakit ako pa. . . bakit ngayon pa." Umiiyak kong bulong habang pilit na iniiwas ko ang tingin ko sa kanila.

Rinig na rinig ko ang paghikbi nilang apat sa gilid ko. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at pag tingin ko dito ay bigla nalang akong napa yakap sa kan'ya.

"Leyn, bakit. . . bakit ako pa? Bakit ngayon pa? Paano na. . . paano na kami ni Fall? Paano ko sasabihin sa kan'ya. . . paano pa kami ikakasal." Sunod-sunod habang humihikbi kong sambit kay Elaine.

Ramdam kong hinahagod niya ang likuran ko habang may binubulong.

"Quinn, may paraan pa. . ."

"Ano? Sabihin mo. . . please. . . sabihin mo kung anong paraan. . ." humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kan'ya.

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Donde viven las historias. Descúbrelo ahora