Chapter 38: End this pain.

6.9K 270 52
                                    


Hi,
Grabe talaga ka'yo. Lagi niyo nalang akong pinapa kilig ng bongga! Hahahaha, I love you guys. Happy new year to everyone. Lovelots. Thank you so muuuch! 

TOKSHIT talaga ko e, sabi ko baka mga gabi ng January 1 or January 2 na ng hapon ako mag a-update. Pero dahil pinapakilig niyo ko ng bongga. Ayan! Update-update na'ko. Hahaha, try ko pang mag update mamayang gabi. May pupuntahan kase akong date ngayon, hahaha! Enjoy and be happy to your new year guys. Love you all! Mahal din kayo ni Quinn at ng season's brothers.|

Sa mga nagre-request ng POV ni Fall? Hmm, let me think of it. . . charot! Hintayin niyo lang malay niyo meron diba? Hahahaha. 'tsaka pansin ko lang? Andami ko pala talagang silent readers no? Simula lang nung last last last last update ko which is nung nag puntang america sila Quinn duon lang naglabasan 'yung iba. 'yung totoo po? Hahahahaha.

Dedicated sa'yo. Tuwang-tuwa ako sa mahabang comment mo. And yes, dahil sa comment mo ay may na-realize din ako hahahaha. 

Quinn:

Ilang araw din akong nag stay sa hospital na iyon. Maraming tinignan ang mga doctor sa katawan ko at tinest nila ulit ako para tignan kung may pagbabago bang naganap sa tumor sa utak ko. Masakit. Oo, dahil habang lalong tumatagal ay lalo kong nalalaman na mas lumalaki ang tsansa ng kamatayan ko. Na mas lumalala ang tumor sa utak ko.

Sa ilang araw na pamamalagi ko sa hospital na 'yon ay wala akong nakikita ni anino ni Fall o kahit na sino sa magpipinsan. Ewan ko pero nasasaktan ako dahil pakiramdam ko ay kahit na sila Wynter ay kinalimutan na ako.

Siguro kaya pati siya ay niloko ako kasi hindi naman talaga ako naging mahalaga sa kan'ya. Na wala lang talaga ako at joke lang ang pagtuturing niya sa aking batang kapatid at tangint gusto niya lang ay ang mga pagkaing niluluto ko for him.

"Quinn bukas na kana aalis ah." Napa lingon ako kay Elaine at napa buntong hininga.

"Oo nga e. Gustuhin ko mang mag stay sa tabi niyo ay hindi na p'wede." Malungkot kong sambit at pilit na nginitian sila Elaine na ngayon ay bakas din ang lungkot sa mga mata.

"Nu kaba sisteret! P'wede ka naman naming punatan duon every weekends." Singit ni Fiella na ngayon ay kakalabas lang ng cr ng kwarto ko.

Nandito kami ngayon sa bahay ng parents ko. Hindi na ako umuwi sa bahay namin ni Fall at sila Fiella nalang ang pina kuha ko ng gamit duon. Sabi nga nila ay sakto na daw pagka dating nila ay walang tao sa bahay pero mukhang dinaanan ng delubyo dahil sa sobrang dumi at sobrang gulo.

Napa buntong hininga nalang ako dahil duon.

"Ayy oo nga no? P'wedeng-p'wede! Good idea Fiella! Hindi ko alam na gumagana pa pala 'yang utak mo." Mapang asar na sambit ni Gles kay Fiella ay ngumisi-ngisi pa dito.

Sinamaan naman siya ng tingin ni Fiella at umirap pagka tapos ay tumingin sa akin si Fiella at ngumiti. Sa mga ngiti niyang 'yon ay hindi ko maiwasan ang malungkot ng sobra.

"Mamimiss ko kayo." Pigil ang hikbi na sambit ko at napa yuko pa.

"Gaga ka! H'wag kang mag drama jan! Sayang ang ka diyosahan!" Sigaw ni Aki na siyang ikina tawa ko.

Lumapit silang apat sa akin at yumakap. Sa ginawa nilang iyon ay napa pikit ako at dinamdam ang pinaka huling sandali na magiging buo kaming lima. Nang umalis sila mula sa pagkakayakap sa akin ay napansin ko ang lungkot ng mga mukha nila at ang pangingintab ng mga mata nila. Napa buntong hininga ako at ngumiti sa kanila.

"Don't worry. . . may skype pa naman e." Sambit ko at tumawa sa kanila.

Tumawa din silang apat.

"Hay nako! Akala ko pa naman sabay-sabay tayong ga-graduate! Kainis!" Naka ngusong sigaw ni Aki at napapa ikot pa ng mata.

"S-sorry. . . nasira ko pa 'yung pangako ko." Malungkot at puno ng konsensiya kong sambit habang nakayuko.

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Where stories live. Discover now