Chapter 32: Winter heartbreaks

6.3K 260 14
                                    

Hi,
So eto na po ang update ko for this day. 
Hope you enjoy reading hahaha! Don't worry guys. Everything is on their own place. Just read and feel the story. . . kahit na hindi naman siya ka feel feel hahahahaha! 'yun lang. Lovelots ♥ 

Dedicated sa'yo dahil sa pagko-comment mo! Hihihihi, thank youu!! ♥♥

TRIVIA: Nitong mga nakaraang updates. Kapag nakikita kong 2k plus na ang words ng bawat chapters ay hinihinto ko na. Tapos makikita ko nalang na 4 page something na siya sa web. Hahahaha!  Wait--- Trivia padin ba 'to? HAHAHA! 

Quinn

December 19, 2014.

"You sure you okay?" Ngumiti ako at marahang tumango kay Elaine na ngayon ay naka upo sa tabi ko.

"Baka nabigla lang sa lamig." Sambit ko at mukha namang naniwala sila.

Napa buntong hininga ako. Actually ay kinakabahan ako. I don't know why, but. . . this past few days ay lagi akong nahihilo at laging dumudugo ang ilong ko. Alam kong hindi lang ito dahil sa temperatura ng bansang 'to ang dahilan. Kahit nasa pilipinas ako ay nararamdaman ko 'yon pero pinagsasa walang bahala ko.

Ipinikit ko ang mga mata ko ng makalabas ng kwarto sila Elaine. Pagka labas nila ay duon ko pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mata ko. Bakit ganun? Bakit ang sakit?

Bakit pakiramdam ko niloloko nila ako? Na nagsisinungaling sila sa akin? Bakit ganun? Bakit hindi ko maintindihan.

"Hindi ka nga okay." Napa tigil ako sa pag iyak ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon.

"Kanina kapa?" Tanong ko habang iniiwas ang paningin ko kay David at pinupunasan ang mga luhang tumakas sa mata ko.

"Yup. At kanina ko pa nakikita ang mga luha mo." Sambit ni David at naupo sa gilid ko.

Hindi ko parin siya tinitignan dahil naiilang ako sa kan'ya. Nakita niyang umiiyak ako.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa kan'ya at simpleng ngumiti.

"Ayos lang..." Sambit ko at iaalis ko na sa ang tingin ko sa kan'ya ng may maalala ako. "Thank you nga pala."

Tumingin siya sa akin at nagsalubong ang kilay niya.

"For what?"

"Sa pagsapo sa akin kahapon nung hinimatay ako." Sambit ko na siyang ikina tango niya.

"Wala 'yon."

Katahimikan.

Hindi ko alam kung bakit katahimikan ang namumutawi sa aming dalawa nayon ni David.

"Ahm, David?" pagtawag ko sa pangalan nito habang hindi ito tinitignan.

"Hmm?"

"Paano kapag nakita mo ang taong mahal mo na may kasamang iba?" tanong ko sa kan'ya habang pilit na pinipigilan ang aking emosyon.

"What do you mean? Madami kaseng pwedeng sabihin. Like, okay lang na may kasama siya as long as kaibigan niya lang." Sambit ni David na siyang ikinatingin ko sa kan'ya.

"Pero paano kung ex niya?" Tanong ko sa kan'ya.

Alam kong bakas na ang lungkot sa mukha ko sa mga oras na ito. Alam kong anytime ay maiiyak na ako tuwing naalala ko ang picture na nakita ko kanina.

"Depende padin Quinn." Sagot niya at diretsong tinignan ang mga mata ko.

"Paanong depende? Naguguluhan ako David..."

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Where stories live. Discover now