Chapter 39: Now that I've found you.

7.1K 249 36
                                    

Hi,
Ang toksh't ko takte! Sabi ko mamayang gabi pa'ko mag a-update e! But anyway, thank you talaga guys ah? Ngayon lang kase nangyari sa akin ang maya't-maya ang votes at comment. 'Tsakabang sobrang daming comments and votes sa isang chapter kaya na inspired ako na ipag patuloy tong kwento na 'to. But anyway, here's my update. Tinatype ko pa 'to habang bumabyahe. Try kong i-update ulit later. May date with the family ako e hahaha!

1 more chapter to go then Epilogue naaa! Lovelots guys!

Ayan, may POV NA SI FALL! Mwehehehe, sana ay malinis na ang pangalan niya sa inyo guys. Kawasa naman e hahaha.

Dedicated sa'yo. Thank you!

Fall:

"Gusto kong kapag tumagal na tayo ng sobra magaampo tayo. . . or mag papa suragacy, tutal uso naman na 'yon para kahit papaano ay ka-dugo mo pa din ang magiging anak natin my labs." Tinignan ko si Quinn at hindi ko maiwasang mapa ngiti sa sinambit niya.

God knows how muchI tresured this person. Now, I can't imagine my self without him.

"Tapos kapag naka trabaho tayong dalawa I wanted to build a home together with you. Home kase malaki ang pinagkaiba nun sa house. Gusto ko kapag kinasal tayo ay sarili na nating pera ang pinupundar na'tin sa magiging bahay na'tin." Tumingin siya sa akin at kitang-kita ko ang pag asa at saya sa mga mata niya habang hinahawakan niya ang kamay kong naka hawak sa kamay niya.

"I love you Fall--"

"Matt! Let's go! It's getting darker na!" Napa lingon ako at mapait na ngumiti ng makita ko si Ricka na ngayon ay malaki na ang tiyan at naka simangot na naka tingin sa akin.

"Susunod ako. Mauna kana, baka mapasama pa kay baby." Mahinahon kong sambit.

Inirapan niya lang ako at pagka tapos ay tumalikod na para pumunta sa sasakyan. Napa buntong hininga nalang ako at napa iling. Bakit ko pa ba kase sinama ang babaeng 'yan dito. Delikado pa naman ang baby sa sinapupunan niya.

Muli kong tinignan ang malawak na kalangitan mula dito sa cliff na pinuntahan naming dalawa ni Quinn. Kung saan ang lugar na nangarap siya para sa aming dalawa. Na nangarap siya para sa ikagaganda ng buhay namin sa mga susunod na taon na mag kasama kami.

Pero ngayon?

Because of my biggest mistake.

Mukhang hindi na namin maitutuloy ang pangarap naming dalawa. Mukhang wala nang pag asa na maiparamdam ko sa kan'ya kung gaano ko siya kamahal at kung papaano akong mabaliw simula ng unti-unti at tuluyan siyang mawala sa piling ko.

It's been six months simula ng tuluyan na akong iwan ni Quinn at hindi na muling mag paramdam pa. Hindi ko alam kung saan ko siya matatagpuan. Kahit na sino sa mga kaibigan niya ay hindi ako hinayaang makita o malamab kung nasaan siya. Ni kahit na anong balita tungkol sa kan'ya ay wala akong naririnig. Kahit na sa mga pinsan niyang nakilala ko na at ang mga magulang niya ay hindi sinasabi sa akin kung nasaan siya

"Quinn--- hanggang kelan ka hindi magpapa ramdam sa akin?" Mahina kong bulong habang hawak-hawak ko ang singsing na isinuot ko sa kan'ya sa harapan ng maraming tao.

Pinaka malaking pagkaka mali na sa buong buhay ko nang paglihiman ko si Quinn. Na lokohin at saktan ko siya. Masyado akong nag take advantage at masyado akong na kampante na hindi ako magagawang iwan ni Quinn. Na hindi niya ako kayang pakawalan at mamahalin niya ako kahit na anong ugali ang meron ako.

Pero ngayon?

Asan kana Quinn? Asan na ang pangako mong hihintayin mo ako? Ang pangako mong magpapa kasal pa tayong dalawa? Na bubuo tayo ng sarili nating pamilya at hindi iintidihin ang sasabihin ng iba? Na magiging masaya tayo hanggang matapos ang buhay nating dalawa? Asan kana Quinn? Kelan mo tutuparin ang mga pangakong binitawan mo?

His Soon To Be Hubby (BoyxBoy) #1 +COMPLETED+Where stories live. Discover now