“Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko! Hindi ba talaga magiging okay ang lahat???” parang gusto kong tanggalin ang ulo ko sa pagiisip.

Hindi sila sumagot.

“Kaya dapat talaga mag-quit na ako eh” sabi kong bigla.

“QUIT????”

Sabay pa sila. Nakagat ko ang labi ko pero wala na, nasabi ko na. napilitan na lang akong napatango.

“Oo, para sa asawa ko at sa mga magiging anak ko” sabi ko at wala na silang nasabi.

PATRISHA’S POV

“Magqu-quit siya????? Bobo ba siya? Sikat siya! I mean sikat na sikat!!” halos magpanting ang tenga ko ng marinig ang balita ni Kc.

“Yon ang narinig ko. Maququit na daw siya”

“T#^%& ba siya??? Hindi niya ba alam na yung iba halos lumuhod para sumikat? May iba nga diyan pumapatol pa sa mga baklang producer para marating lang yung kinalalagyan niya!!! “

 Napaupo ako sa sobrang inis. “Anong gagawin mo??” tanong niya.

“Asan si Mommy?”

“Nasa SBN”

“Sabihin mo kay Direk na masama ang pakiramdam ko at uuwi na ako” sabi ko at sumunod siya.  “George ayusin mo na ang gamit ni Patrisha” sabi ni KC.

Daniel….hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang mawawala sa’yo? Wag ka namang magpaka-B*b*!!

Hindi ako papayag….hinding hindi ako papayag na magquit ka! Hindi!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

KATH’S POV

Maaga akong nagising, dumating kasi si Althea sa bahay. Sabay kaming nagalmusal at sinabi ko sa kanya na samahan na muna ako papuntang office. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayong araw. Medyo sumama mula pa kagabi.

“Grabe naman pala ang showbiz no? monster” sabi niya habang nasa tabi ko siya. For the first time, nakapagdrive ako ng sarili kong sasakyan. First time ba? Basta parang first time. Umuwi kasi ang driver ni Dad sa province, next week pa daw kasi ang uwi dahil may namatay na kamag-anak, kaya pinahiram ko na muna si Kuya Jonjon.

“Sobra” sabi ko. Tamad kasing magdrive tong si Althea. Nasanay na kasing naglalakad sa bundok.

“Mukha kang maputla” sabi niya habang nasa daan kami. “Dahil sa stress” sabi ko.

“Nakapag-PT ka na ba? Ilang buwan na rin diba?”

“Hindi pa. Ayokong madisappoint..”

“Menstruation mo? Normal na ba?”

“hindi pa rin ata, pakonti konti pa lang eh”

“As in? konti?”

“For the past three months mula nung huli kong PT, konti pa din”

“Bakit ngayong mo lang sinasabi? Mamaya after office daan tayo sa hospital huh” sabi niya. She sounds like Mamita.

Papasok na kami sa vicinity ng BerCorp ng mapansin kong may mga 10 -15 na tao. I think it’s 50 m away sa Bercorp. “Anong meron dito?” tanong ni Althea. “Ewan ko” sabi ko at mabagal na mabagal akong nagpatakbo dahil baka may masagasaan ako. Malapit na kami sa building. One lane lang kasi ang way.

“Bakit parang lumalapit sa atin?” sabi ni Althea.

“What?” nagulat nga akong lumapit sa kotse ko ang mga tao. Mabuti na lang at nakalock ang mga door. Nakasuot sila ng DASHA shirt at nagulat ako ng sabuyan ng slime ang kotse ko. Galit na galit ang mga mukha nila sa akin.

LYFNR BOOK 2 - THE REASON IS YOU (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon