Chapter 29

6.2K 136 0
                                    

[NEXT DAY]


Michelle's POV


"Mommy wake up!" sigaw ni Gray at hinalikan ako ng paulit ulit sa mukha kaya binuksan ko ang mata ko at nakita ko siya nakangiti saken.


"Good morning" nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Zeus at agad akong napatingin sa kanya na nasa may pinto!


"ZEUS ANONG GINAGAWA MO DITO?!" sigaw ko at napatakip sa bibig ko.


My Gosh.
Wala pa akong ligo. Walang bihis. Walang make up o kahit na suklay! Nakakahiya!


"Sinusundo kita" sabe niya at agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng ngumiti siya.


Jusko. Ang gwapo gwapo niya lalo!


Umupo ako sa higaan at inayos ang buhok ko "Saan naman tayo pupunta?" medyo nahihiya kong tanung.


Hindi ako makahinga dahil amoy na amoy ko nanaman yung pabango niya. Sobrang lakas talaga nun.


"Magpapakasal" sabe niya at ang lapad talaga ng ngiti niya kaya pinanlisikan ko siya ng mata.


"Pero joke lang syempre."


"Hindi nakakatawa" suplada kong sabe.


"GRAY?!" sigaw ng isang babae at nagulat ako ng lumitaw ng ulo ni Athena sa pinto "Hi Michelle" sabe niya.


Ngumiti lang ako dahil medyo nahihiya din ako sa kanya. Hindi sila magkamukha ni Zeus dahil manly ang mukha ni Zeus while sobrang babae naman yung kay Athena. Para siyang barbie lalo na at ang ganda niya manamit.


"Hihiramin muna namen nila Daddy si Gray. Pwede ba? Kasama naman yung Dad at Mom mo."


"Edi sasama na din kame" sabe ko at tumayo. Buti nakapajama ako kundi nakakahiya.


Mabilis siyang umiling at hinila ang anak ko "May pupuntahan kase kayo. Tsaka gusto muna namen masolo si Gray. Pag nandyan ka kase hindi siya masasanay sa amin"


"Smart girl huh?" bulong ni Zeus at natawa.


Siniko lang siya ni Athena at binuhat si Gray " Gray, say goodbye na kay Mommy" sabe niya kaya hinalikan ko lang si Gray at umalis na sila.


Tiningnan ko si Zeus at nakatingin lang siya saken "Wala ka bang business meeting?" tanung ko.


"I canceled them."


Tumungo nalang ako "Saan ba tayo pupunta?" tanung ko.


"Why do you care?" suplado niyang tanung.


"What--"


"Magbihis ka nalang nga" sabe niya at umalis na kaya hindi ako makapaniwala.


Ano yung ginawa niya?!


Sinungitan ba niya ko? 


Ako? Aba!


"HOY ZEUS!" sigaw ko at hinabol siya palabas at natigilan ako ng bigla akong mapatid.


"Careful" nakangiti niyang sabe habang hawak niya ako kaya napatulala lang ako sa kanya.


"I miss you" sabe niya at hinalikan ako sa noo kaya nabato ako bigla. Hindi ko alam ang sasabihin ko at nagulat ako ng yakapin niya ako dahilan para mapatayo ako ng maayos "I fvking miss you Michelle" bulong niya at binaon niya yung mukha niya sa leeg ko.


Hindi ko talaga alam ang isasagot ko sa kanya kaya hinarap ko siya at tinakpan ko ang bibig ko "Tootbrush muna ako?" sabe ko at nagulat ako ng tumawa siya ng sobrang lakas na akala mo makakalas na yung Lungs niya sa katawan niya.


"Go ahead" sabe niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.


"Uhm..kamay ko?" sabe ko at tinuro ko yung kamay ko pero tumungo lang siya at nakatitig saken.


Hinampas ko siya "Kamay ko!" natatawa kong sabe at ngumiti lang siya kaya tinapakan ko ang paa niya.


"FCK! ANG SAKIT NUN MICHELLE!" sigaw niya at natawa ako at hinila ko ang kamay ko pero ayaw niya pa rin yung bitawan.


"MALILIGO NA KASE AKO!" sigaw ko at nagulat ako ng buhatin niya ako.


"ZEUS PUT ME DOWN!" sigaw ko at nanlaki ang mata ko ng pumasok siya sa loob ng CR.


"Papaliguan na kita para mapabilis!" sabe niya at tumawa ng malakas kaya kitang kita ko ang maputi at pantay pantay niyang ipin. Mukha siyang model ng toothpaste.


"ETO NAAAAA!" sigaw niya at kunyareng bubuksan ang shower kaya nagising ako sa pagpapatansiya sa bibig niya--I mean ipin.


"STOP IT!" sigaw ko at dinakma ko ang mukha niya kaya mabilis siyang napababa saken.


"Ang brutal mo Michelle!" sigaw niya at tiningnan ako kaya napangiti lang ako.


"Fine! Hindi ka pa rin makakatakas pag kasal na tayo sweetheart" sabe niya at kinindatan ako kaya nanlaki ang mata ko at hindi ako makagalaw.


"I'm going to wait outside. Make it fast" sabe niya kaya huminga ako ng sobrang lalim pag labas niya.


Ano bang sinasabe niya?!

The Requital PrincessWhere stories live. Discover now