Chapter 2

7.7K 176 0
                                    

Michelle Valiente's POV


Napatitig ako kay Dad nung makita ko siyang pumasok sa mansion. Hindi ko naiintindihan kung bakit ilang buwan na siyang ganyan.


Palagi siyang wala sa sarili, mainit ang ulo at laging tuliro. May nangyare ba?


"Dad..welcome--" nagulat ako ng yakapin niya ako.


"Princess...sorry" iyak niya at mas humigpit yung yakap niya saken "Anak ko sorry kung nilihim namen sayo to ng Mommy mo...Sorry kung........" hinarap ko siya at napaluhod siya sa harap ko.


Hindi ako makapagsalita at nakatitig lang ako sa kanya. Unang beses. Ito ang unang beses na nakita kong umiyak siya sa harap ko.


Isa siya sa mga respetado at kinatatakutan na tao sa buong bansa. Isa kame sa mga pinakamayaman na tao sa buong Pilipinas. May ari kame ng oil companies kaya never kong nakita na humingi ng tawad o nagmakaawa si Dad sa ibang tao kahit saken. Hindi niya kaya ibaba ang pride niya para sa kahit na sino. Takot sakanya ang lahat kaya.....bakit siya umiiyak sa harap ko?


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at naiiyak lang ako. Hindi ako makapagsalita dahil alam kong may kinalaman ito sa negosyo namen. Naririnig ko palagi sila ni Mommy na nagtatalo about sa pinakamalaki nameng planta. Hindi ko alam kung bakit.


"Bankcrupt na ang kompanya dahil naloko ako ng isa mga pinakaimportanteng tao na pinagkakatiwalaan ko. Niloko nila ako at ngayon gumuho yung isa sa mga planta naten sa Zambales. Sinusubukan nameng ayusin ang lahat at nangutang ako ng 1.5 billion kay Carlo Jimenez pero....dahil sa mga nangyayare hindi ko pa kaya ibalik yun sa napag usapan nameng araw kaya papatayin niya ako."


Napaupo at naiyak na. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na halos mabingi na ako. Para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig.


Si Carlo Jimenez ang isa sa mga pinakamayaman na tao sa buong mundo. Sobrang makapangyarihan na kahit kaluluwa ng kahit na sino kaya nilang bilhin. May ari sila ng mga oil companies, shipping lines, air lines kaya ganun sila kayaman.


Gusto ko sigawan si Dad para magtiwala sa isang tao katulad ni Carlo Jimenez! Bakit dun pa siya humingi ng tulong sa diname dame ng tao na kilala namen........pero sigurado ako na may dahilan siya.


Niyakap ko si Dad...kaya namen to at hindi siya pwede patayin ni Carlo Jimenez...


"Anak mahal na mahal ko kayo ng Mommy mo. Kung sakaling mawala ako--"


"MAMATAY DIN AKO! MAGPAPAKAMATAY AKO DADDY!!" sigaw ko.


Magpapakamatay ako pag nawala si Daddy at yun ang sigurado ako. Hindi ko kaya mawala siya. Hindi ko kaya mabuhay ng wala siya. Hindi ko kaya alagaan si Mommy. Hindi ko kaya ibangon ang kompanya. HINDI KO KAYA LAHAT!


"Princess...wala na tayong magagawa...."


Umiling ako "Kakausapin ko siya! Mag mamakaawa ako Dad..."


Biglang nag iba ang mukha niya "Mamamatay ako bago ka niya mahawakan! Alam kong gusto ka ng anak niya kaya ikaw ang hiningi niyang kapalit habang wala pa akong pambayad! HINDI AKO PAPAYAG MICHELLE! IKAKAMATAY KO BAGO KA NIYA MAKUHA SAKEN!" galit na sigaw ni Daddy "Hahanap ako ng paraan sa ngayon mag impake ka na muna at aalis tayo..."


Tumungo lang ako pero ayoko magtago. Natatakot ako dahil baka bukas wala na nag iisang lalaking mahal na mahal ko. Natatakot ako na baka pagmulat ko mata ko wala na siya.


Hindi ko kaya.


Gagawin ko lahat ng makakaya ko para lang mabuhay si Daddy.

The Requital PrincessWhere stories live. Discover now