Chapter 10

6.1K 164 0
                                    

Michelle's POV


"Michelle!" nagulat ako ng tawagin ako ni Zeus habang nanunuod ako ng isang Fashion Show sa cable channel.


Agad akong napatakbo sa kanya. Akala ko nasa meeting siya ngayon at uuwi pa siya ng 6PM.


Hindi niya ako pinansin pag pasok at dire-diretso lang siya sa sala. Parang aso lang akong nakasunod sa kanya.


"Sit." sabe niya ng makaupo siya kaya umupo ako sa harap niya.


Pag katabi ko siya feeling ko ang baba ko talaga. Masyadong mataas ang tingin niya sa sarili niya. Alam kong deserve niya yun at may karapatan siyang maging ganun pero nakakasakit pa rin ng damdamin.


"Ano mo si Travis Marco?" diretso niyang tanung.


Nagulat ako sa tanung niya at parang may tumusok sa dibdib ko.


'ANO NGA BA KAME NI TRAVIS?'


Huminga ako ng malalim "Magkaibigan po kame sir--"


"BULLSHIT MICHELLE! DON'T YOU DARE LIE TO ME! THAT'S BULLSHIT!"


Nanlaki ang mata ko at natulala ako sa kanya. Ano bang problema niya?!


"I fucking know your dating! You two pieceofshit is together!" sigaw niya.


Galit na galit yung mata niya at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Nanginig ako bigla dahil feeling ko anytime masasakal niya ako. Halos mapatayo na siya sa upuan niya sa sobrang inis kaya nanigas ako sa upuan ko at hindi makapag salita.


Huminga siya ng malalim "Sorry...I'm just...curious" mahinahon niyang sabe.



Tumungo ako at parang nawala lahat ng takot ko nung huminahon siya.


"Nanligaw siya saken....siya yung teenage crush ko at buong college life ko nakadikit ako sa kanya...pag graduate ko niligawan niya ako....pero..." natigilan ako ng maalala ko si Travis.


"Con...continue" medyo nahihiya niyang sabe kaya nagpatuloy ako.


"Pero...pero nung sasagutin ko na siya nakita ko na naghahalikan sila ni Yuna sa office niya. Wala na kameng communication after nun. Hindi na siya pinalapit saken ni Dad...."


"WHAT?! THAT IDIOT--" nagulat ako kaya mabilis ko siyang tiningnan at nagulat siya at natigilan "I mean...paano niya nagawang magloko sayo.." sabe niya at napahawak sa tiyan niya "Gutom na ako. Cook for me"


"May meeting ka pa diba?" nagtataka kong tanung. Pinagpuyatan niya lahat ng reports para sa meeting na yun eh.


Napatingin siya sa orasan niya "I still have 30 minutes" inosente niyang sabe.


"30 minutes?! Sa daan ka nalang kumaen umalis kana!" sigaw ko at tinulak siya kaya nagtataka siyang napatingin sa kamay ko na nakahawak sa braso niya.


Napatayo ako ng tuwid at lumayo sa kanya "Uhm..concern lang ako..Sorry sir" nahihiya kong sabe.


Tumayo siya "Call me Zeus.." napatingin siya sa orasan niya "You still have 10 minutes to dress" sabe niya at tiningnan ako.


"Ano?"


"You will come with me nalang. Wag ka na pala magluto. Baka mamaya dumugin ka dito ng mga reporter" sabe niya.


"Hindi kita maintindihan. Ano bang sinasabe mo?" tanung ko.


Wala akong maintindihan sa kanya. Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit ako dudumugin ng mga reporter?


Alam ba nila na nandito ako?


"Bullsh*t just dress up! Malalate na ako!" sigaw niya kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kwarto ko at nagbihis.


Pagkababa ko nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko kaya nanlaki ang mata ko.


Tumaas lahat ng balahibo ko at parang may eletric shock yung kamay niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko!


Ano bang nangyayare saken.


"Uhm..Zeus..yung kamay ko" nauutal kong sabe.


"I should hold you para mapabilis ang lakad naten" seryoso niyang sabe at KINALADKAD AKO PALABAS NG BUILDING.

The Requital PrincessWhere stories live. Discover now