Chapter 22

5.7K 150 0
                                    

Zeus' POV


"Gray!" sigaw ng isang babae at agad kameng napalingon pareho.


Nagulat ako ng makita ko ang Mommy niya.


Agad siyang lumapit sa amin ng bata at agad na napalayo yung bata.


Nagulat ako dahil hindi niya kamukha yung Mommy niya. Baka kamukha niya yung Daddy niya? Well, I want to meet his Father. Gusto ko malaman kung saan niya nakuha ang mata at genes niya na katulad ng sa Jimenez.


"Who are you?" nagtatakang sabe ng bata.


Agad akong napahawak sa braso ng bata ng ikaila niya yung babae.


"Who the hell are you?!" sigaw ko at agad napaatras yung babae sa sigaw ko.


"Uhm...Gray sumama ka nalang saken. Trust me Gray...your Mommy can fetch you" sabe ng babae .


"NO!" nagulat ako ng sabay kameng sumigaw ni Gray kaya mabilis ko siyang binuhat.


Tiningnan niya lang ako at ngumiti ako sa kanya. "I need to see his Mom. He can't understand Tagalog" sabe ko at nagulat ako ng hawakan ni Gray ang balikat ko kaya agad akong napatingin sa kanya at ngumiti siya saken.


Bigla akong natuwa dahil feeling ko nakatingin ako kay Daddy.


"Sir. Kaibigan po ako ng Mommy niya. May emergency lang po kaya hindi niya makuha si Gray"


Humigpit ang hawak ko kay Gray "No. I need to see his Mom." sabe ko at mas lalong kinabahan ang mukha ng babae.


"Manalangin ka na wala kang balak na masama kundi ipapabaril talaga kita sa pulis" sabe ko at agad na natakot yung mukha ng babae.


"Gray come with me na please..." pagmamakaawa niya at hinawakan ang paa ni Gray kaya mabilis kong sinampal ang kamay niya.


"Don't you ever touch him!" sigaw ko at pinanlisikan ko siya ng mata dahilan para mapahigpit ang hawak saken ni Gray.


"Gray." kinilabutan ako ng marinig ko ang boses niya at agad kong naramdaman na bumaba saken si Gray.


"Mommy!" masaya niyang sigaw at tumakbo kay Michelle.


Natulala ako at hindi ako makapag salita. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw at nabibingi na ako sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.


"Come on. We need to go" sabe ni Michelle kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.


"Michelle!" sigaw ko ng hindi siya tumitigil at hila hila lang niya yung anak niya kaya mabilis kong hinila at binuhat si Gray dahilan para mapatigil siya.


"Sino ang ama ng batang to?!" galit kong sigaw.


Pinanlilisikan niya ako ng mata "Si Travis! Tigilan mo na ako Zeus dahil mali ang iniisip mo! Ibaba mo na ang anak ko!"


Natawa ko ng mapait "Bullshit! Hindi pwedeng si Travis ang Tatay niya! Pinsan ko siya sa part ni Mommy at imposible na kay Travis niya nakuha ang mukha niya!"


"Tigilan mo na kame Zeus. Ibaba mo na siya bago pa ako mag-eskandalo" nagtitimpi niyang sabe pero hinawakan ko ng mahigpit si Gray.


"Mommy. What is happening?" kalmadong sabe ni Gray kaya agad akong napatingin sa kanya "Put me down sir." mahinahon niyang pakiusap kaya agad ko siyang binaba at tumakbo agad siya papunta kay Michelle.



Nag init ang dugo ko "Mas maganda na kung sasabihin mo saken kung sino ba siya Michelle bago ko siya sa pilitan na kunin sayo" sabe ko pero hindi niya ako pinansin at tuluyan lang siyang umalis.


I swear Michelle if I found out that Gray is my son...I will get him by hook or by crook.

The Requital PrincessWhere stories live. Discover now