Chapter 6

6.5K 143 1
                                    

Michelle's POV


"WHO THE HELL ARE YOU TO CALL ME ZEUS?!" sobrang galit niyang sigaw kaya nanlaki ang mata ko.


Natulala ako bigla at hindi ko alam ang sasabihin ko. Mixed emotions!


Una. Nagulat ako ng makita ko yung mukha niya. Siya ang pinakamagandang tao na nakita ko. Ang perfect niya. Sobrang perfect na halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.


Pangalawa. ANG LAKAS NG BOSES NIYA! Yung tingin niya saken. Hindi ko alam kung hinuhubaran ba niya ako o nagagalit siya saken! Hindi ko magets yung mukha niya. Composed na composed ang expression niya.


At ang huli....nanginginig talaga ako ng makita ko yung katawan niya!


Huminga ako ng malalim at natulala ako lalo sa katawan niya.


Nagkakasala na ako!


"What the fck are you staring at?" sigaw niya at napatingin sa abs niyang six pack na hubog na hubog at ngumiti "Are you a maniac?"


Napatingin ako sa mukha niya.


Ano?


AKO MANYAK?


ANG KAPAL NIYA!


Huminga ako ng malalim "Sorry..masyado lang akong natense" bulong ko at nagulat ako ng itulak niya ako sa pader at hawakan pataas yung kamay ko! Ano bang ginagawa niya?!


"What did you say?" bulong niya sa tenga ko dahilan para kilabutan ako at magwala lahat ng insekto ko sa tiyan.


Gutom. Gutom na ako.


Tinulak ko siya gamit ang isa kong kamay "Ako ba ang manyak o ikaw?!" galit kong sigaw.


Napasmirk lang siya at tumayo ng maayos "Call me Sir. Katulong kita at hindi kaibigan. Start now..Kakaen ako in 10 minutes dapat nakaready na yung pagkaen" sabe niya.


Magsasalita palang sana ako pero sinarado na niya yung pinto.


Natigilan ako.


"Ka...ka...katulong? A..ah..ako?"


Akala ko ba type ako ng Zeus na to! Narinig kong sabe yun ni Dad kaya ako nandito! BAKIT GANUN SIYA.


Mukhang mali siya dahil mukhang walang puso at may pagkamanyak pa ang ugok na to.



Galit akong pumunta ng kusina ng mala palasyo niyang bahay. Sobrang laki na akala mo may pamilya siya. Ang gaganda pa ng mga gamit.


Hindi ko sinasabeng namamangha ako....uhm..medyo nagugulat lang ako dahil mag isa lang siya dito.


Nagluto na ako. Buti may mga supplies yung kusina niya AT BUTI TINURUAN AKO NI MOMMY MAGLUTO!



Naghihiwa ako ng gulay at niluluto yung karne ng bumaba na ang 'KAMAHALAN'


"Are you done?" tanung niya.


"5 mins palang akong nagluluto. What do you expect?" mataray kong tanung at nagulat ako ng galit siyang lumapit saken.



Nilagay niya yung dalawa niyang kamay sa stool at hinarap ako "What do I expect huh? Know your place stupid. Ako ang boss mo at katulong lang kita. Actually you are the cheapest payment I could ever have from your father. Don't you dare raised your voice in front of me. YOU. ARE. MY. MAID." 



Natulala ako at para akong paulit ulit na sinaksak ng kutsilyo sa dibdib.


Inemphasize niya yung word na 'YOU.ARE.MY.MAID' na parang bang bawat pag hinga ko utang ko sa kanya.



Ngayon lang ako nainsulto ng ganito sa buong buhay ko.



"Answer." utos niya na akala mo aso niya ang kausap niya.



"Sorry.....sir..." sabe ko at yumuko.


Naramdaman ko na tumulo yung luha ko pero hindi ko yun pinunasan para hindi niya mahalata.



"Cook for yourself" sabe niya at iniwan ako na nakayuko, umiiyak at nasaktan sa kusina.

The Requital PrincessTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang