Chapter 3

7.1K 160 4
                                    

Zeus' POV


"Sir...nagkamali po kase ako ng type..." bobong sabe ng secretary ko ng tanungin ko kung bakit mali yung spelling ng 'utility' sa report na pinasa niya saken.


"Nag aral ka sa college pero simpleng bagay tulad ng pagchecheck hindi mo alam?! GAANO KA BA KABOBO!" sigaw ko at hinampas sa mesa yung folder kaya mabilis siyang napatalon sa gulat.


Ayoko sa lahat ng bobo! Alam niyang mahalaga yung report na to dahil ito ang ipepresent ko sa board. Simpleng pagtatype lang hindi niya pa magawa?!


Nag iinit ang ulo ko at gusto ko na ihampas sa mukha niya yung papel na nasa mesa ko.


Huminga ako ng malalim "You're fired." sabe ko at pinaikot yung upuan patalikod.


Napatingin ako sa orasan ko. 5:30. 10 minutes kameng nag usap at nasayang ang sampung minuto ng oras ko dahil lang sa kapabayaan niya.


"Sir."


Napaharap ako at nakita ko si Greg yung body guard ko.


"Ayos na po sir..."


Tumungo ako naglakad palabas ng office. Agad na bumungad saken si Chesca. Sobrang fit ng damit niya na akala mo mapupunit na yung harap nun sa sobrang laki ng dibdib niya.


"Sir..your appointment for 7 PM with the Chinese investor is ready.."


Hindi ko siya pinansin at tiningnan ko lang yung email ko sa phone. Baka may mahalagang nag email saken about sa mga recent business deals ko.


"Find me a new P.A" yun lang ang sabe ko at umalis na.


Walang nagsasalita at lahat tumitigil sa office pag dumadaan ako. Maririnig mo lang yung yapak ng paa ko at ni Greg.


Lahat sila takot, galit at nirerespeto ako. Hindi ko sila masisisi dahil sinadya ko talagang maging ganun kastrikto para mapanatili na matatag ang kompanya namen. Ayoko na may kahit isa sa kanila ay maglakas ng loob para lokohin ako. Hindi ko kaya bumagsak ang kompanya na pinahalagahan ng Dad ko. Ako lang inaasahan niya at hindi ko kaya pag nawala yung tiwala niya saken.


Buong pagkatao ko binigay ko sa trabaho ko. Kada minuto ng buhay ko mahalaga. Million million din na trabahador ang umaasa saken. Ang mga nagtatrabaho saken sa iba't ibang bansa ay nakasalalay saken at ang mga pamilya nila. Pag naging mahina ako at nalugi ang kompanya namen maraming tao ang mag dudusa.


Kaya kong manakit ng tao, maging masama at magmukhang demonyo sa harap ng iba para sa nakakarami.


I deserve to be respected by everyone. I work hard for it.


Nag aral ako ng boxing, martial arts at taekwondo para protektahan ang sarili ko. Dun ko din nakuha ang maganda kong katawan. Nag aral din ako sa pinakamagandang school sa buong mundo para lang makamit ang talino na ginagamit ko para mabuhay ang negosyo namen sa mapanlokong mundo ng lipunan.


Sobrang dameng tao ang gusto kameng pabagsakin at ako si Zeus Jimenez ay hindi mapapayagan yun.


Magkamatayan na pero hanggang sa huling hininga ko ang Jimenez World Corp ang mangunguna sa world market in terms of international trade.


My instinct suddenly went back to present when my phone vibrated.


Yuna Calling.....


Yung model na nakilala ko sa isang fashion show after party. Sobrang ganda at sexy niya at buong gabi kame magkasama. Magaling siya sa kama at wala akong sisi na inuwi ko siya. Akala ko okay na sa kanya yung isang gabi pero mukhang hindi niya alam ang salitang 'We're done'


Sinagot ko ang tawag.


"Baby..Ive been calling you--"


Tss. Baby?


"Tapos na tayo. Sawa na ako sayo. Tigilan mo na ako." firm kong sabe at pinatay na ang cellphone ko at napapikit.


Gusto ko matulog kahit sampung minuto habang nasa biyahe pauwi dahil 7PM onwards may schedule nanaman ako kaso may biglang nag email about sa business deal ko sa Manhattan kaya agad kong binuksan yun at pinag aralan.

The Requital PrincessWhere stories live. Discover now