Chapter 5

6.4K 167 0
                                    

Zeus' POV


"Yes sir...I will prepare that for you...yes.." sagot ko kay Mr. Langlei habang pinapaliwanag niya yung terms para sa contract approval. Napatingin ako sa bintana ng kotse at natigilan ako ng makakita ako ng babae sa may tapat ng building.


Sinenyasan ko si Greg na itigil ang kotse kaya agad niyang tinigil yung kotse. Tinapos ko muna yung usapan namen ni Mr. Langlei pagkatapos tiningnan ko ulit yung babae.


"Greg diba sabe ko na ayoko na may pulubi sa harap ng building?"


"Sir sa puti niya at ganda ng maleta niya mukhang hindi po siya pulubi.."


Napatingin ulit ako sa babae na nakatingala sa taas. Tiningnan ko kung ano yung tinitingnan niya ng mapansin kong nakatingin siya sa billboard ko kasama si Travis at Harry.


Tiningnan ko siya ng mabuti at nagulat ako ng maalala ko na siya yung babaeng nasa picture. Yung anak ni Mr. Valiente.


Desperado na talaga yung siraulong yun. Nagawa niya pang ipadala yung nag iisa niyang anak para pangsangla? Kung hindi siya madaling nagpauto edi sana maayos pa yung kompanya nila. Masyado siyang nagtitiwala sa mga tao.


Matapos ko siyang barilin nagawa niya pang ipadala yung anak niya? Paano kung patayin ko rin yung anak niya? Hindi niya ba naisip yun?


"Sir..ayoko po na abalahin kayo pero malalate na po kayo sa 7PM meeting niyo pag patuloy niyong tinitigan ang babae"


Tumungo ako at nagulat si Greg ng buksan ko ang kotse kaya mabilis niyang kinuha yung baril niya at tahimik na sumunod saken.


Tumayo ako sa gilid ng babae. Hindi niya agad ako napansin dahil mukhang malalim yung iniisip niya. Masyado siyang nakatitig sa billboard.


Sigurado ako na napako yung mata niya kay Harry o kaya kay Travis. Sila yung tipo ng mga lalaki na pinapangarap ng mga babae. Tss.


"56th floor" sabe ko at galit na umalis dun sa harap niya.


Dumiretso na kame sa loob ng building. Tinawagan ko yung head security na papasukin na yung babae.


Pagpasok ko sa pad ko agad akong dumiretso sa CR at naligo. Napapikit ako ng maramdaman ko yung tubig sa katawan ko. Para bang inaalis niya lahat ng stress ko.


Matapos kong maligo naglagay lang ako ng towel sa bewang ko ng may kumatok sa pinto ko.


"Zeus? Ako si Michelle Valiente kanina pa kita hinihintay lumabas. Ano bang kelangan mo saken?!" sigaw niya.


Kinilabutan ako sa boses niya. Ang amo nun at ang sarap sa tenga kahit galit na siya.


Lumapit ako sa pinto at binuksan yun. Nagulat ako ng makita ko siya pero hindi ko yun pinahalata. Nanlilisik yung brown niyang mata saken at umuusok yung matangos niyang ilong sa galit. Namumula din yung maputi niyang pisngi at gusto ko matawa dahil sa nakakatawa niyang buhok. Nakapulupot yun at magulo ang pagkakaipit.


Gusto ko matawa ng malakas dahil ang cute niya pero hindi ko yun pinakita. Seryoso lang ako at nakapoker face.


"WHO THE HELL ARE YOU TO CALL ME ZEUS?!" sobrang galit kong sigaw kaya nagbago lahat ng pagmumukha niya.


Napatayo siya ng tuwid at nanlaki talaga yung mata niya. Napatulala siya saken na akala mo iiyak na siya.


Well, that's my way of saying. 'Nice to meet you. I'm the famous evil Zeus Jimenez'

The Requital PrincessWhere stories live. Discover now