DEVIL ME!!

2.6K 98 5
                                    



Samantha POV


Pak!


Nakakabinging sampal ang dumapo sa pisngi ko.


" Ran!" Sigaw ni Shane at Hannah.


Bulungan sa paligid ang maririnig mo. Kung sino ba daw kami at bakit kami nang-gugulo.


Parang naalog naman ang pagkatao ko at parang nagising sa isang masamang panaginip.


Mas masakit pa sa pagtiis sa akin ni mommy, mas masakit pa sa akala kong patay na siya at mas masakit pa sa nakita kong magkadikit ang mga labi nila.


Tama kayo ng iniisip sinampal ako ni Ran.


Ang asawa kong ginagalang at iniingatan ako na parang mamahaling crystal.


Ang mga palad nitong maingat na humahaplos sa buo kong pagkatao ay dumapo sa pisngi ko.


Napakunot ang noo nito at humarap kay Hannah na kasalukuyan ngayong umiiyak.


"Babe are you alright." Tanong nito sa kanya.


" Yes babe umalis na tayo dito, gusto ko nang magpahiga." Saad ng bruha na si Hannah.


" Okay! Pero wait lang ha." Tumango lang ito.


" Kung sino man kayo nakiki usap ako. Please! umalis na kayo and miss sorry hindi ko sinasadya ang pag sampal sayo. Nagdilim lang ang paningin ko sa ginawa mo sa asawa ko." Pag hingi nito ng paumanhin sa akin.


Pero para akong tuod na nakatitig lang sa kanya. Sobra akong nasasaktan sa nangyayari.


Pagkatapos ay humarap ito kay Hannah. " Let's go babe." Pag yayaya nito.


Ngunit bago pa man sila maka hakbang ay may mga police na ang humarang sa kanila.


" We have a warrant of arrest against you, Ms. Hannah." Iniabot ito kay Hannah pero si Ran ang kumuha at binasa.


" Teka, Hannah ano to? Kidnapping and illegal detention? Hindi magagawa ng asawa ko yang ibinibintang niyo." Naguguluhang tanong nito sa mga police.


" Ikaw ang kinidnap niya Ran at hindi siya ang asawa mo kundi ako."Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso.


Sa wakas nasabi ko din sa kanya na ako ang asawa at hindi si Hannah.


Pero itinabig lang niya ito.


"Ran! That's true, nagsasabi ng totoo ang asawa mo." Singit ni Ate KC.

Be Mine Ms. Brat Again (BMMB 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon