Lady - 7: For A Moment

142K 3.8K 281
                                    

A/N: ENJOY READING AND ADVANCE HAPPY NEW YEAR!


Don't forget to VOTE and post your COMMENTS about the story. You cand FOLLOW ME if you want to! :)


'til next time!


=================================


(Ice's P.O.V)


"Mama, si tita Joy po ba ulit ang susundo sa akin mamaya?", tanong sa akin ni Aaron na tinutulungan ko sa pagsuot niya ng uniform niya.


"Oo anak. Sorry ha? Magiging busy kasi si mama ngayon. Promise, babawi si mama sa'yo."


Pupuntahan kasi namin ni Chino ang dalawang planta ng ParkCom ngayong araw para pormal na ipakilala sa mga workers doon si Chino. At para makita rin ni Chino ang mga nangyayari sa planta.


Ngumiti sa akin ang anak ko. "Okay lang po, mama. I understand po.", aniya. Di ko tuloy napigilan ding mapangiti. Kahit sa murang edad niya, para na siyang matanda kung mag-isip paminsan.


Marahan ko siyang hinila palapit sa akin at niyakap. "Promise anak, babawi talaga ako sa'yo. Lalo na sa Family Day ninyo. Sasarapan ko ng bonggang-bonga ang mga pagkaing dadalhin natin sa school ninyo."


"Masarap naman po talaga kayong magluto at mag bake ng cake mama.", Aaron


"Asus, binola pa ako ng baby boy ko.", natatawang sabi ko sabay pisil ng pisngi niya. "Halika na nga, baka ma-late tayo.", nakangiting binuhat ko na siya palabas ng kwarto niya.


Hinatid ko muna siya sa school niya bago ako pumunta sa ParkCom. Habang nasa biyahe, di ko mapigilang isipin yung lalaking tinutukoy pa rin ni Joy kahapon. Yung tito ng friend ni Aaron na si Chelsie Quintos. Sino kaya talaga yun? Kahit yung anak ko, parang gustong-gusto yung lalaking yun. Ang bait daw kasi. Gusto pa nga niyang makilala ko yung tito ni Chelsie. Baka raw magustuhan ko rin yung 'tito' na tinutukoy nila ni Joy.


Well, next na lang siguro. Pag na-tsambahan ko siya sa pagsundo ko kay Aaron.


"GOOD MORNING BOSS!", ang malakas na bating yun ng ngiting-ngiti na si Chino ang bumungad sa akin pagkarating ko sa may floor ng office naming dalawa.


"Good morning.", pormal na bati ko sa kanya. "Ready ka na ba?", tanong ko.


"GAME NA!", energetic pa ring sagot niya.


"Ano 'to? Nasa 'Game ka na ba' tayo?", taas kilay na tanong ko sa kanya.


"Pwede rin.", ngiting-ngiti na sagot niya na mas ikinataas ng kilay ko.


My Bossy LadyWhere stories live. Discover now