J.O Chapter 5 part 1

Magsimula sa umpisa
                                    

            Nawala ang kulog at kidlat pagkalipas ng ilang oras, nakaakyat na uli si Jessie sa kwarto niya na may baong pagkaen. Nag-online siya at nakita niyang hindi rin pala pumasok ang ilan sa mga kaibigan niya, tumanaw siya sa bintana... nakabukas ng bahagya ang kurtina ni Ralph. Hindi kasi ako madalas sumilip ngayon ko lang nalaman na magkatapat lang pala kami... Hinubad ni Ralph ang pantaas, marahil ay kagigising lang niya or nabasa siya sa ulan. Tinignan ni Jessie mabuti ang katawan nito, hindi man kalakihan ang katawan ay fit and physique pa rin ito tignan, Stop it Jessie... stop peeping! Hindi naman siya nakinig sa saril... Oh my... not the underpants, no.... pababa na ng jogging pants si Ralph nang mapatingin siya may bintana, umupo agad si Jessie para hindi siya makita. Waah aaaah~ muntik na ako doon ah, tumingin siya pero nakasarado na ang kurtina. Sayang~ eh... ano bang sinasabi ko, I’m not a perv... I love hentais but I’m not a perv!! Maglalaro na nga lang ako...

            Nasa kwarto pala niya si Jerome the whole time at alam nito ang ginagawa niyang simpleng pagsilip... hinampas niya ng unan ito sa ulo habang naglalaro sa pc niya,

            “May pc ka naman ah!”

            “Sayang sa kuryente pag sabay... silip ka na lang diyan...”

            “Hindi ako naninilip! Amp!”

            “Oh? di nga?” paasar na tinaasan siya ng kilay.

            “Grr... kanina ka pa kuya ah...!”

            “Hehe...”

            “I hate you times 3!”

            “I love you times 4...”

            “Tse!”

            “Sabi sayo wag ka sosobra sa hentai eh... kung ano ano na yang ginagawa mo ah, bad yan kapatid ko...”

            “Hindi naman ako nanood kagabi... amp saka di ko naman sinasadya.” Pabigla siyang humiga sa kama. “Kailan ka ba titigil ulaaaaan~”

            Kwartong magulo, kalat sa bawat sulok at mga nagkalat na game mag ang makikita sa kwarto ng natutulog pang si Nico. Nasa side table niya ang picture nilang dalawa ni Jessie nung huling fieldtrip nila sa Cavite.

            “Nico Bryan!!! Kung di ka papasok, maglinis ka ng kwarto mo!!!” sigaw ng kanyang ina.

            “Ooo..poo” inaantok pa niyang sagot. Nagunat at nagkamot bago tumayo sa higaan, nagbukas ng pc at ininum ang tubig na nasa tableniya. Hindi pala lahat sila pumasok eh, mabuti na lang... tumingin siya sa bintana... Malakas pa ang ulan, ano kayang magandang gawin.

            Nasa sala na uli si Jessie nakapalumbaba sa tapat ng bintana at nakatambay, nakasilip at pinagmamasdan ang bawat patak ng malakas na ulan. Malapit ng mag lunch time kaya nagluluto na si Jerome.

            “Hui...” sumilip si Jerome mula sa kusina.

            “Oh...?” sumagot siya pero hindi liningon ang kapatid, tinignan niya ang cp at wala pa rin siyang natatanggap na text mula sa mga kaibigan.

            “Luto na.”

            “Ano niluto mo kuya?”

            “Sinigang, malamig eh... para may sabaw... sinabihan ko na rin si Ralph kanina na dito na kumain, nagiisa lang siya sa bahay pangit naman mag instant noodles lang siya... bilisan mo at maghaen ka na dito...”

Jeepney OverdriveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon