AAK-Chapter 11

129 9 0
                                    


AAK-CHAPTER 11

Dale

" Anya? Yung kababata ni Dale? " tanong ni Dad, litong lito na ako sa mga nangyayari kaya hindi na ako nakapag salita.

" Oo, ayaw nga niyang Anya ang itawag natin si Dale lang daw ang pwede " naka ngiting sabi ni Mom habang nakatingin sa akin.

" Efi? That pretty girl? " nakangiting sabi ni Darlene. Napansin siguro ni Darren na nalilito ako sa mga nangyayari kaya naman nilapitan niya ako.

" Kuya, huwag mong sabihing hindi mo maalala. Ipapaalala ko sayo may sakit ka sa puso wala kang amnesia " sabi ni Darren.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari, matagal na kaming mag kakilala? Paanong hindi ko maalala.

" Oo nga anak, sobrang lapit niyo sa isa't isa hindi kayo mapaghiwalay " sabi naman ni Mom sa akin.

" May mga times na makakalimutan mo ang isang bagay kapag ginusto mo itong kalimutan ang tanong lang bakit " seryosong sabi ni Darlene habang nakatitig sa akin.

" Siguro galit ka sa kanya dahil umalis sila, pero diba nagpaalam naman sila sayo ng maayos " sabi naman ni Darren.

" Nako, may pagka selfish ka talaga hindi mo nga inalam ang dahilan kung bakit kailangan nilang umalis eh " sabat naman ni Darlene.

" Nako tumigil na nga kayo, nagpapagaling pa ang kapatid niyo " saway sa kanila ni Mom.

" Opo " sabay nilang sagot.

Kaya ba sinabi niyang magkakilala na kami noon pa? Kaya ba ako ang kinukulit niya? Kaya ba gustong gusto niya akong maging kaibigan kasi matagal na kaming magkaibigan at kilalang kilala niya ako? Kaya ba pinipilit niya ako mag paopera?

"Dale, aalis na kami. Babalik kami sa susunod na linggo " hindi ko na namalayan ang oras, aalis na sila Mom. Matapos makapag paalam humiga na ako sa aking kama, hindi ako inaantok gutso ko lang makapag isip. Magkakilala na ba talaga kami?

Anya. Anya. Anya. Anya. Anya.

Paulit ulit kong binibigkas ang pangalan niya. Hanggang sa dalawin ako ng antok.

" Anya! Anya! " nakita kong sigaw ng isang batang lalaki.

" Boo! " nagulat naman ang batang lalaki ng hawakan siya ng batang babae sa may balikat kaya naman tawa ng tawa ang batang babae. Teka siya ba si Anya? Kamuka nga niya at ang batang lalaki parang familiar ang muka nito.

" Bakit mo ako ginulat? " sabi ng batang lalaki na para bang naiinis.

" Dahil trip ko lang? " sagot sa kanya ng batang babae. " Bakit mo ba ako tinatawag? " tanong pa ng batang babae.

" Hindi kasi kita makita " sagot naman ng batang lalaki.

" Huy. Hide and seek ang nilalaro natin " natatawang sabi naman ng batang babae kaya maging ako'y natawa na rin. Nakakatuwang panuorin ang dalawang bata, talagang napakalapit nila sa isa't isa.

" Halika bili na lang tayo ng ice cream " pag aya ng batang babae sa batang lalaki. Sumunod naman ang batang lalaki sa kanya na ma'y ngiti sa mga labi. Ano kaya ang iniisp niya sa mga oras na ito?

Susundan ko sana ang dalawa ngunit sa isang iglap biglang nagbago ang lahat.

Narito na ako ngayon sa isang subdivision at nung tiningnan ko ang buong paligid narito ako ngayon sa dati naming bahay. Nasa mismong tapat ako.

Sa kaliwang bahagi may isang malaking bahay na hindi ko na maalala kung kanino pero sa kanang bahagi kung nasaan nakatirik ang aming bahay may isang sasakyang tumigil at iniluwa non nag isang mag-anak.

" Nakita niyo ang bago nating bahay? " sabi ng babae nakatalikod man ito kilalang kilala ko ang boses niya. Si Mom. At sa tingin ko kami ang mga batang kausap niya.

" Dito na tayo titira hanggang sa lumaki kayo " ang boses na yon. Si Dad.

Pumasok na sila maliban sa isa. Naiwan siyang naka upo sa may labas ng kanilang bahay, di nagtagal may batang babaeng lumapit sa kanya, umupo ito sa tabi niya.

" Hello, ano name mo ? " nakangiting tanong niya.

" Ako si Efipanya, pero dahil ayoko ng name ko tawagin mo na lang akong..." napatigil ang batang babaae mukang nag iisip siya kung ano ang sasabihin niya.

" Ikaw ba ano gusto mong itawag sa akin? " tanong niya ulit. Dahil hindi naman tumitingin nag batang lalaki kinakalabit na lang niya ito hanngang sa pansinin na rin siya nito.

" Ano gusto mong itawag sa akin bata " tanong ulit ng batang babae, hindi parin naaalis ang ngiti nito.

" Anya " tipid na sagot ng batang lalaki pero sapat na para magtatalon sa tuwa ang batang babae.

" Ang ganda naman ng name ko, yey!!! " masiglang sabi niya. " Ikaw anong name mo? " tanong "

" Dale " tipid nitong sagot.

" Dale, simula ngayon friends na tayo " sabi naman ng batang babae sabay lahad ng kamay agad naman itong inabot ng batang lalaki.

Napangiti ako sa aking mga nasaksihan. Pero muling nag laho ang dalawang bata at ang subdivision napalitan na naman ito ng bagong lugar.

" Dale, aalis na kami nila Mommy pupunta kami ng Amerika. Pero sandal lang naman kami dun eh " umiiyak na sabi ng batang babae.

" Sabi mo hindi tayo maghihiwalay " umiiyak ding sabi ng batang lalaki.

" Babalik na namn ako eh, pangako " sabi naman ng batang babae sabay taas ng kanang kamay.

" Pinky swear " sabay nilang sabi at nag yakapan. Maging ako nalungkot sa aking nakita.

" Basta huwag mo akong kakalimutan " sabi ng batang lalaki.

" Oo naman ikaw ang bestfriend ko eh " paninigurado ng batang babae.

Sa pagpikit ko nagbago muli ang buong paigid at ngayon nasa airport naman ako. Naririnig ko ang iyak ng dalawang bata.

" BuBye Dale " umiiyak na sabi ng batang babae.

" Bubye Anya " umiiyak ding sagot ng batang lalaki.

Nang makapasok na sila sa loob ng airport, tumakbo ang batang lalaki habang isinisigaw ang pangalan ng kanyang matalik na kaibigan.

" Anya! Anya! Anya! "

" Anya! " napabalikwas ako ng bangon. Hindi ko alam kung anong mga nangyari pero namalayan ko na lang ng tumutulo nap ala ang aking mga luha.

Anong klaseng panaginip iyon? Hindi ko alam pero siguro ako na rin mismo ang nag paalala sa aking sarili ng mga bagay na pilit kong kinalimutan dahil sa maling akala.

Akala ko siguro nagpapakasaya si Anya sa Amerika pero nagdudusa pala siya, totoo ngang napaka makasarili ko. Bakit ko siya kinalimutan? Ni minsan hindi niya ako kinalimutan at hangggang ngayon kahit hindi ko siya makilala hindi pa rin niya ako iniiwan.

Muling tumulo ang mga luha ko dapat talaga akong humingi ng tawad sa kanya. Sigurado akong matutuwa siya pag nalaman niyang naaalala ko na ang lahat.

Kaya naman naisipan kong puntahan siya. Hindi ko na inisip kung ano ang itsura ko basta ang mahalaga makausap ko siya ngayon din. At isa pa hindi ko rin siya nakita pa mag mula ng operasyon baka hinihintay niya rin akong pumunta sa kwarto niya. Dahil yun ang pangako ko.

Pag bukas ko ng pinto, hindi ako makapaniwala sa nakita. At agad tumulo ang aking mga luha.


An Angel's Knock ( Completed )Onde histórias criam vida. Descubra agora