AAK-Chapter 7

130 8 0
                                    


AAK- CHAPTER 7

Dale

" Efipanya's Utopia " basa ko ulit sa title ng libro o diary. Sino naman si Efipanya? At Utopia, yun ba yung almost perfect daw na lugar?

Siniyasat ko pa ang libro may lock ito. Kailangan pa ng password. Itinabi ko na lang ito, wala naman akong mapapala sa bukas ng librong yan baka sabihin pa pakielamero ako. Tanungin ko na lang si Kuls kung pupuntahan pa niya ako dito. Hindi ko naman alam kung saan ang kwarto niya.

Napabuntong hininga ko at napa tingin sa kisame. Talaga ngang napaka tahimik pag wala si Kuls sadyang nakakapanibago. Nasanay na nga ako sa kanya.

" Dale? Iho " ngumiti naman ako kay nurse Lyn.

"Opo, sorry na po " sabi ko sa kanya alam kong sesermunan na naman ako niya dahil sa nangyari.

" Ikaw talaga, huwag mo kasing masyadong saktan ang puso mo. Mabilis mapagod iyan " pangaral naman niya sa akin kaya tumango tango ako.

" Siya nga pala Dale nagpunta siya dito kahapon? Bakit daw? " natawa na lang ako kay nurse Lyn may pagka tsismosa talaga. Siya kasi ang palagi kong nakakausap tungkol sa mga ganitong bagay.

" Kakausapin daw ako " tipid kong sagot.

" Naku, ang layo ng ospital na ito akalain mo yun pinuntahan ka pa dito " nag aasar na sabi sa akin ni nurse Lyn kaya sinamaan ko siya ng tingin.

" Nakakatawa " sarkastiko kong sagot.

" Matutuwa ka ba akpag nalaman mong hindi lang naman ikaw ang pinuntahan niya dito " nagulat ako sa sinabi ni nurse Lyn kaya naman napatingin ako sa kanya at seryoso siya walang halong biro.

" Sino? " tanong ko sa kanya.

" Ayon sa mga narinig ko yung matalik niyang kaibigan. Dati daw madalas dumalaw yun " nandito yung bestfriend niya? Akala ko ba nasa ibang bansa na sila?

" Oh, Dale napatahimik ka? "

" Wala po " sabi ko na lang sa kanya.

Pero sino nga ba ang kaibigan ni Mara, Efi lang ang alam ko sa kanya. Ang buo niyang pangalan hindi at kung ilang taon na siya. Pero sa tingin ko halos magkasing edad lang sila.

" Kilala niyo po ba yung pasenyete? " tanong ko sa kanya.

" Nako, iho hindi. Pero maraming nakakakilala sa kanya dito. Alam mo na makulit kasi " sabi naman niya, maraming nakakakilala si Kuls kaya kilala siya?

" Sige iho, aalis na ako may iba pang pasenyete na kailangan ako " tumango na lang ako bilang sagot.

Hindi ko alam kung bakit dinapuan ako ng kursyonidad sa bestfriend ni Mara siguro kasi bestfriend niya ito. At alam kong magkikita kami muli ni Mara dahil sa kanya.

Muli kong tiningnan yung libro. At binasa ang nakasulat dito.

" Efipanya's Utopia "

Habang nakatitig ako sa libro na parang notebook, unti unti akong napapikit.

*****

Napabalikwas nang makarinig ako ng katok. Ughh. Bakit ba palagi akong ginigising ng isang katok? Nakakainis na. Alam ko ring hindi si Kuls yun malamang, sumigaw na iyon.

" Pumasok ka na " naiinis kong sabi.

" Dale? " seryoso akong tumingin sa kanya at saka napabuntong hininga.

" Mara " tawag ko sa pangalan niya.

" Gusto lang kitang makausap " sabi niya na parang nagmamakaawa kaya naman tumango ako, gusto ko rin naman siyang maka usap.

" Sige, umupo ka dito " seryoso kong sabi sa kanya.

Umupo naman siya pero napansin kong napatingin siya sa may libro na parang notebook at kinuha niya ito.

" Saan mo nakita ito? " tanong niya.

" Wala ka nang pakielam dun " seryoso kong sagot sa kanya. Bakit niya ba pinapakelaman ang mga gamit dito.

" Akin na nga yan " sabi ko sabay hablot sa libro.

" Teka, Dale hindi naman sayo yan " naiinis niyang sabi napatingin ako sa kanya.

" Paano mo naman nasabi ? " tanong ko sa kanya.

" Dahil kay Efi, iyan. Alam ko kasi kami ang gumawa niyan " sagot naman niya sa akin.

Pero paanong napunta iyon sa may secret garden? Ibig bang sabihin non hindi lang kami ni Kuls ang nakakaalam ng secret garden? O kaya dinala na ni Kuls yung Efi sa lugar na iyon? Hindi ko maintindihan naguguluhan na ako. Hindi kaya alam din ni Mara ang tungkol sa secret garden? Pero wala naman siyang nababangggit nung kami pa. Ughh nakakasakit ng ulo.

" Dale? Ayos ka lang ba? " tanong ni Mara sa akin.

" Paano naman ako makakasigurado na sa kaibigan mo nga iyan? " tanong ko naman sa kanya.

" Efipanya, Efipanya ang buo niyang pangalan " sabi naman niya sa akin habang tinuturo ang harapan ng libro.

" It's not a book, hindi rin ito notebook " pagpapatuloy niya.

" It's a diary, a scrapbook to be exact " sabi pa niya.

" Kami ang gumawa nito, recycled papers at iba na galing sa kalikasan. Hindi lang ako ang mahilig sa nature, pati si Efi " paliwanag niya. Napansin ko naman ang lungkot sa mga mata niya.

" Nasaan na siya " tanong ko na lang.

" Sa dulong kwarto " sagot naman niya.

" Nakakapagtaka naman at hindi mo pa siya nakikilala. Hindi ka ba lumalabas ng kwarto mo at nakikihalubilo sa iba " tanong niya sa akin. Kaya umiling lang ako.

" As expected " sagot naman niya.

Napatingin siya sa libro ngumiti siya, nakakatunaw talaga ang mga ngiti niya.

" Hindi ka pa rin naniniwala? " tanong niya sabay harap sa akin nung libro..scrapbook.

" Ewan ko " wala na akong maisagot pa.

" Yung password kami lang ang nakakaalam non " sabi naman niya sa akin.

Oo nga pala may password ang scrapbook.

" Actually si Efi ang nakaisip non " sabi niya sa akin habang kinikilatis niya ang libro.

" Siya naman talaga ang magaling sa paint, tinuruan niya lang ako. Magaling din siya sa mga design. Matutuwa ka sa kanya. Tutal nasa iisang floor lang naman kayo " pagkukwento niya.

" Ito yung password " ipinakita niya ito sa akin.

" Utopia " may pinindot lang siyang maliit na buton at nagbukas ito.

" See " sabi niya pa ng nakangiti.

Ipinakita pa niya ang litrato nilang dalawa. Nagulat ako sa nakita ko sa litrato ang kasama ni Mara sa litrato, sigurado akong siya ito.

" Anya? "





An Angel's Knock ( Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora