AAK-Chapter 4

171 9 4
                                    


AAK- Chapter 4

Dale

3 weeks later

Tatlong linggo na ang nakalipas simula ng makakilala ako ng isang wirdong babae at inaamin kong nasanay na ako sa presensya na. Hindi kumpleto ang araw ko nang hindi naiinis o nakikipag debate sa kanya. Madalas rin kaming pumunta sa rooftop o kaya naman sa secret garden. Ang kwento sa akin ni Anya, nadiskubre niya ang lugar na iyon nang minsa'y maligaw siya at simula non araw araw na niya itong pinupuntahan siya na rin ang mas nagpaganda at nag ayos sa lugar na iyon.

Napatingin ako sa wall clock sigurado akong maya maya lang ay nandito na siya.

" Knock, knock " napangiti ako ng marinig ko ang boses niya kasabay ng pagkakatok niya sa pinto.

" Magandang umaga " nakangiti niyang sabi pagkabukas na pagkabukas pa lang ng pinto.

" Kailangan mo ba talagang sabihin ang salitang knock, knock habang kumakatok? " natatawang tanong ko sa kanya.

" Ano ka ba para mas madali mong malaman na ako ang kumakatok " napatango na lang ako sa sinabi niya.

" So, kuls pupunta ba tayo sa secret garden ? " tanong ko sa kanya, pero nagulat ako ng umiling siya.

" Dito na lang tayo. Magkwentuhan. " sabi naman niya.

" Nagkukwentuhan naman tayo kahit nandon tayo ah " sabi ko sa kanya.

" This place looks so gloomy, bagay ang mga kwentong malulungkot hindi kagaya sa secret garden na puro masasaya ang maikukwento mo. Sa rooftop naman lugar yon ng pagmumuni " paliwanag naman niya.

" Sung, lahat ng lugar na napuntahan mo kahit isang beses lang o napadaan ka lang nagiging parte na rin ito ng buhay mo. Kaya naman gawin nating lively ang kwarto mo pero bago yun alisin muna natin yung bad vides nakakadagdag lungkot eh . Gloomy na nga ang lugar " dagdag pa niya. Hindi naman ako nakaimik sa mga sinabi niya, hindi ko alam kung saan tutungo itong pagkuwento namin.

" And by the way, ilang beses ko na bang sinabi sayo na huwag mo akong tatawaging Kuls, Sung. " natawa ako sa sinabi niya para talaga siyang bata. " Pwede namang cute eh " lalo tuloy akong natawa sa sinabi niya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

" Huwag mo rin akong tawaging Sung kung pwede "sabi ko na lang sa kanya.

" Ayoko nga, ikaw kasi si Mr. Sungit. Sung short for sungit " sa pagkakataong ito ako naman ang tumingin sa kanya ng masama pero ngumiti lang siya sa akin na animo'y inosenteng bata.

Hindi ko maiwasang maalala ang unang punta ko sa secret garden ang naging dahilan kung bakit mas naging malapit kami sa isa't isa.

3 weeks ago.....

Flashback

" Speechless? " natauhan lang ako ng marinig ko ang boses ni Miss wirdo.

" Papaanong nagkaroon ng ganitong kagandang lugar? " tanong ko sa kanya.

" Hindi ko rin alam, nakita ko ang lugar na ito ng maligaw ako dahil tinatakasan ko ang mga nurse " sagot naman niya sa. Tinatakasan niya ang mga nurse?

" Bakit mo sila tinatakasan? " tanong ko, ngumiti siya ng nakakaloko bago sumagot.

" Trip ko lang " napailing na lang ako sa sagot niya at muling itinuon ang pansin sa lugar na ito.

An Angel's Knock ( Completed )Where stories live. Discover now