AAK-Chapter 8

134 9 2
                                    

AAK-CHAPTER 8

Dale

"Anya? " mahina kong bulong sa sarili.

" Woah, paano mo nakilala si Efi? " nagtatakang tanong ni Mara.

" Efi ? " nagtatakang tanong ko sa kanya.

" Efipanya ? Efi para sa lahat ng nakakakilala sa kanya kahit sa mga magulang niya. But may exemption, yung kababata niya na hindi na niya nakita simula nung sampung taon siya. " kwento niya.

" Anya, Anya ang tawag sa kanya " dagdag pa niya.

" A-at dito siya na ka admit? " tanong ko at tumango naman siya.

" Kala ko alam mo, kasi tinawag mo siya sa nickname niya " nakangiting sabi ni Mara.

Nang biglang tumunog ang cellphone niya. Kaya sinagot niya ito, hindi ako makapagsalita naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.

" Dale, sorry I need to go " malungkot na sabi niya.

" Mara, naikwento mo ba ako sa kanya? " tanong ko, baka kasi iyon ang dahilan kung bakit niya ako kinukulit. Pero nagulat ako ng umiling si Mara.

" No, ngayon na lang ulit ako nakadalaw sa kanya, unfortunately " malungkot na sagot niya.

" Sige, salamat sa pagdalaw " sabi ko na lang sa kanya.

" Thank you, babalik ako para makapag usap na tayo " sabi niya tapos umalis na siya.

Habang ako naiwan pa ring nakatulala at nalilito sa mga nangyayari.

*******

Dalawang araw simula ng mga nalaman ko, hindi pa rin ako makapaniwala at hanggang ngayon di pa rin pumupunta dito si Kuls.

" Dale, umupo ka nga at baka kung mapano ka " suway sa akin ni nurse Lyn. Kaya naman umupo na lang ako.

Kanina pa kasi ako palakad lakad, iniisip ko si Kuls ewan ko ba kung bakit. Basta bigla akong nagalala sa kanya.

" Nurse Lyn, naalala niyo po ba yung kaibigan ni Mara? " tanong ko sa kanya.

" Oo, bakit mo naman naitanong ? " sabi niya.

" Kilala ko na po siya, Efipanya ang pangalan niya " sagot ko.

" Ah nakakatuwang pangalan " nakangiting sambit ni nurse Lyn.

" Gusto ko po siyang makita " seryoso kong sabi na kanya namang ikinagulat.

" Bakit naman ?" nagtatakang tang ni nurse Lyn

" Basta po, please " paki usap ko sa kanya.

" Sige, gagawa ako ng paraan " at dahil sa sinabi niya niyakap ko siya, mapagkakatiwalaan talaga siya.

******

" Hindi na muna siya pinapalabas ng kwarto dahil lumala ang kondinsyon niya " sabi ni nurse Aris.

Nasa labas kami ng pinto ngayon. At hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Bakit ba ako kinakabahan?

" Pumasok ka na " bulong sa akin ni nurse Lyn.

Nang pumasok ako, nakita ko siya nagpapaint. Masyado niyang tinutuon ang pansin sa kanyang ipinipinta kaya naman hindi niya namalayan ang pagpasok ko.

Maputla siya at makulimlim ang mga mata. Parang hindi siya yung madalas kong nakakausap at yung makulit na palaging tumatakbo.

" Kuls? " napatigil siya sa pagpipinta at tumingin sa akin. Halatang nagulat siya sa pag punta ko dito dahil wala naman siyang nababanggit kung saan ang kwarto niya.

" Bakit hindi mo sinabi sa akin? " nag aalala kong tanong sa kanya pero umling iling lang siya.

"It doesn't matter, pareho pareho lang tayong may malalang sakit. " sagot naman niya sa akin.

" Sorry " sabi ko na lang sa kanya pero muli umiling lang siya.

" Para saan? Dahil sinigawan mo ako? Hindi mo naman kasalanan iyon halata namang may problema ka at malalim lang ang iniisip mo nagkataon lang ako yung nandoon kaya ako yung nasigawan mo. Kilala kita Sung " sabi naman niya sa akin.

" At isa pa ayaw lang nila akong palabasin kasi baka lumalala daw sakit ko. At yung araw na nakita mo ako sa bintana mo? Tumatakas ako sa mga nurse ko " natatawa niyang paliwanag.

" Bakit ka nga ba nandito? Paano mo nalaman ang room number ko? " tanong naman niya sa akin.

" Efipanya ... " hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla na siyang sumabat.

" Don't you dare, say that name again. Pang oldies " naiirita niyang sabi kaya naman natawa ako.

" Sounds regal " sagot ko pa kaya naman sinamaan niya ako ng tingin.

" Pero paano mo nga ba nalaman? " tanong niya ulit.

" Dahil dito " pagkasabi ko non ipinakita ko sa kanya ang scrapbook na nakita ko sa may secret garden.

" Paano napunta ito sa yo? " nagulat niyang tanong.

" Pumunta ako sa may secret graden para humingi ng tawad sayo kaya lang wala ka doon " sagot ko naman.

" Paano mo naman nabuksan ito? " naguguluhang tanong niya kaya naman napangiti ako.

" Dahil kay Mara " nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

" You mean Mara? " sabi niya sabay turo sa may litrato at tumango naman ako.

" Oo alam mo kasi..." hindi ko na naipagpatuloy pa ang sasabihin ko ng bigla niyang itinapon ang scrapbook.

" B-bakit ? " nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang siya nakitang galit.

" Don't you dare say that bitch's name again! " sigaw niya.

" Teka ano bang nangyari? " tanong ko sa kanya.

Pero bigla na lang siyang namilipit sa sakit kaya naman agad kong tinawag ang nurse. PInaalis muna ako ng mga doctor pinainom siya ng pain reliver para mawala ang sakit. Hindi nagtagal nakatulog na rin siya.

Naaawa ako sa kalagayan niya pero bakit nagagawa pa rin niyang ngumiti.

Bigla ko na lang naalala ang nangyari kanina bakit parang galit siya kay Mara? Anong nangyari sa kanilang dalawa?

Dahil mukang wala naman akong gagawin dito naisipan ko na lang na bumalik na sa aking kwarto. Para rin makapag isip isip.

Gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Halo halo na ang mga nasaisip ko. Gusto ko ulit maka usap si Kuls. Pero baka hindi pa maganda ang lagay niya bukas. Sana maging maayos na ang lagay niya, nakakamiss din pala ang kakulitan niya.

Kanina pa ako palakad lakad sa kwarto at hindi ko mawari kung anong gagawin ko.

******

Pagmula ko ng aking mga mata, namalayan ko na lang na sa couch ako nakatulog. Babalik na sana ako sa pagtulog ng makarinig ako ng katok.

" Knock, knock " napangiti ako ng marinig ko ang boses na iyon.

Hinayaan ko muna siyang kumatok. Tutal na miss ko ang ginagawa niyang iyan.

" Do you wanna build a snowman? " pakanta pa niya.

" Hello? " sabi pa niya kaya napatawa ako.

Medyo naawa naman ako sa kanya sa nangyari kahapon kaya binuksan ko na.

" Nice meeting you again " nakangiti kong sabi sabay lahad ng kamay at inabot naman niya ito.

" Ako rin Sung " nakangiti niyang sabi.

At nagsimula na naman ang araw ko na kasama ko siya.



An Angel's Knock ( Completed )Where stories live. Discover now