Natigilan naman ako nung narinig ko ang salitang operation at lumingon siya sa akin.


"Operation?" Naalala ko ang ginawa nila sa mata ko pero paghawak ko ay nandoon pa rin ang kaliwang mata ko.

"I know what you feel. This dimension only shows your preferred appearance, or what your mind wants to see. Kaya nga nakikita mo ako ngayon na ganito."


So this left eye is not real. Damn it.


"Anyway, they performed an operation. You lost a lot of blood but from what I've heard, Royals have a rare blood type that even your own family can't help you. They have no choice but to use mine...and they did. After that, nilagay nila ang katawan ko sa isang cryogenic chamber. Wala ng buhay ang katawan ko pero conscious pa rin ang utak ko at nakikita ko pa ang mga nangyayari. Pero biglang nagkaroon ng reaction ang dugo ko sa katawan mo. You went berserk and repelled everything near you. Your mind was left open and your thoughts almost overpower my own. They injected you some suppressant and after a few minutes, you calmed down. Pero nanatiling bukas ang isip mo at nakilala kita during that time. At siguro doon din nagsimulang mag-merge ang memories ko sa'yo."


Nakanganga lang ako habang patuloy siyang nagsasalita at hindi ko alam kung kaya ko bang paniwalaan ang lahat ng 'to, kahit na alam kong seryoso at totoo ang mga sinasabi niya.


"My consciousness became connected to yours. Siguro isa o dalawang linggo bago ka nakarecover at nagulat ang doktor dahil naging successful ang transfusion kahit na sobrang baba ng probability na mangyari 'yun. I think after a few months ay napansin mo ang naging effect nito sa'yo. Remember your mission regarding the Querino clan?"


Bigla ko namang naalala ang sinasabi niya. 'Yun ang unang beses na hindi ako na-track ng Shinigami trackers at hindi ko rin alam kung bakit. Nireport 'yun ni Izumi kay Mom and after that ay kinuhanan nila ako ng dugo para i-test. Doon nila nalaman na may kakaibang component sa dugo ko na naghihinder sa trackers para madetect ako...

...and now I realized why. It's because my blood is mixed with a Senshin's.


"Dahil doon ay nagkaroon ng project about my blood. Sinubukan nilang isalin din ang dugo ko sa iba pero lahat 'yun ay nag-fail. You're the only one who lives after the transfusion. And right after that, nagsimula na rin silang pag-aralan ang mga mata ko. Since my sixth sense involves shadow, of course they will be interested. Makalipas ang ilang taon ng pag-aaral, ginamit nila ang mga mata ko para sa defense ng Dungeon."

"What do you mean by that?"

"You see, Dungeon is the deepest part of the Black Dimension right? Sa tingin mo bakit? It's because they used my eye abilities to convert the shadows in that area into a covering layer. That's why you can't use your sixth sense there. It's not just Black Dimension but a mixture of my shadows. And I am the only one who can use them."


Pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng 'yun ay napagtagpi-tagpi ko na ang ilang katanungan ko. Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko ngayon. Hindi ko alam kung magagawa ko bang tanggapin lahat 'to. Pero may isa akong tanong tungkol sa kanya na gusto kong masagot.


"T-This may sound rude but...are you still alive right now?" mahina kong tanong at bumalik na naman ang malungkot na expression niya pero pinilit niyang ngumiti sa akin.

"That's the question I am most afraid to answer," sabay buntong-hininga niya. "Well, my body...my physical form died when I was twelve, but my mind is technically alive since it's still functioning. However, I only exist in this dimension. Actually, you almost ended up like me during that time."


Pagkasabi niya nun ay naalala ko ang matagal kong pagkawala sa isang dimension—wait, ibig bang sabihin ay itong dimension 'yun?


"Yes, you were wandering in this dimension. I think Erityians who have dead or inactive bodies but their brains are still functioning often drift in this dimension. But you know what? Sometimes, I wish I just died completely. Yes I am alive but I am alone and no one knows I'm here. Living in this state for a long time is painful, you know? Maybe death is better than a life like this."


Bigla naman siyang tumalikod at kahit hindi ko nakikita ay alam kong umiiyak siya. Somehow, I can feel her pain because I experienced that feeling for a while.


"But I know," sabi ko at napatingin siya sa akin. Kahit na matanda na siya kung bibilangin ang taong nakalipas, her features remained childlike. In this dimension, she's just a twelve-year old kid. Ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya. "I know you're here and you exist."


Just like what Kid did to me, I caressed her back and hair to comfort her. Kahit papaano, parang nagkaroon ulit ako ng nakababatang kapatid.


"Kapag nagising ako, I promise, gagawa ako ng paraan para mailigtas ka mula rito," sabi ko kahit na hindi ko alam kung paano gagawin 'yun. Pero gusto ko talaga siyang tulungan. She watched over me for a long time and she's the reason why I'm still alive. Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya.

"That's impossible, but thank you. Those words are enough for me." Humiwalay siya sa akin at ngumiti nang malawak. "And thank you, for showing me my parents that time."


This time, ako naman ang ngumiti sa kanya. Siguro nga tama siya at iisa lang kami. Marami kaming pagkakapareho at halos pareho rin kami ng pinagdadaanan.


"Kapag nagkaroon ako ng chance na makita ulit ang parents mo, I'll make sure to say your name to them. It's the proof that you are not forgotten."

"I will appreciate that but for now, you need to wake up. You need to protect that child of yours, right?"


Unti-unti namang nawala ang image niya at unti-unti ring nagbago ang paligid, hanggang sa tuluyan akong mawala sa lugar na 'yun.


***

"Fuck it! Saan niyo siya dadalhin?! Rielle!"

"Shut up, Elite. This is none of your business. Go."


Nagising ang diwa ko nung narinig ko ang boses ni Kid at Saeko. Naramdaman ko rin na parang gumagalaw ako at pagdilat ko, nakahiga pa rin ako at tulak-tulak ng ilang naka-labgown ang higaan ko. Gusto kong magsalita pero hindi ko maigalaw ang bibig ko at sobrang tuyo ang lalamunan ko.

Unti-unting nawala ang boses ni Kid at napansin kong papunta kami sa laboratory ni Saeko. Pagdating namin doon ay saka niya lang napansin na gising na ako.


"Oh. You're awake. Sorry to do this to you, kid, but I'm going to confine you here until you give birth to that halfling." Tumingin naman siya sa mga kasamahan niya. "Transfer her!"


Natakot ako sa sinabi niya pero biglang napatigil ang mundo ko nung napatingin ako sa mga nakahilerang cryogenic chambers. Hindi ko nagawang tignan ang mga 'yun nung tinanggal nila ang kaliwang mata ko pero ngayon, kitang-kita ko ang mga katawang nakalagay sa loob nun.

And in the middle was Kiyoko's fragile and shriveled body.


***


Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionWhere stories live. Discover now