Napatingin ulit ako sa babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko at doon ko narealize kung sino siya. Ngumiti ulit siya and this time, lumapit siya sa akin.


"You are that girl..."

"Buti naman at naalala mo na. Sabagay, sobrang tagal na panahon na ang nakakalipas." Nagbago naman ulit ang expression niya at naging malungkot ang mga mata niya. "But you know what? It hurts when no one remembers you anymore."


Bigla namang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Somehow, nasaktan ako para sa kanya and at the same time ay naguilty dahil hindi ko siya kaagad naalala. Pero...


'Kiyoko. A Senshin...'


"You're a Senshin, right?"

"Yes," sabay ngiti niya. "And I'm from the Atama family, too." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ibig bang sabihin ay kilala niya sina Hideo? "But no, I'm not from their batch."


How did she...


"You may not know it, but I understand you the most, and of course I can read your thoughts even though your mind is close. I told you, I am you."

"But how? Paano nangyari 'yun? And if you're really a Senshin, what are you doing here?"


Napabuntong-hininga naman siya at naging seryoso ulit ang itsura niya. Hindi ko alam kung sino pero parang may naaalala ako every time na titignan ko siya.


"Kiyoko, the prodigy." Napatingin lang ako sa kanya habang nakatingin naman siya sa itaas at para bang nagrereminisce dahil nakita ko ang saglit niyang pagngiti. "Yan ang tawag sa akin dati dahil sa mga magulang at sixth sense ko. But upon remembering those times, I realized I'm not really a prodigy but a cocky and reckless kid."


Bigla namang may sumagi sa isip ko dahil sa sinabi niya at sobrang nagulat ako nung marealize ko kung sino talaga siya. Nagsmirk siya sa akin nung nakita niya ang reaction ko.


"About time you realize who I am."

"You...you're the daughter of Kyo and Miwako."


Nginitian niya lang ako at tumango siya. Sabi na nga ba at may naaalala ako kapag tinitignan ko siya at 'yun ay si Dr. Miwako dahil magkahawig sila. Hindi ko lang kaagad nakita dahil mahaba ang buhok niya samantalang si Dr. Miwako ay sobrang iksi.


"Dahil sa sixth sense ko, naisip ng Council of Elders na useful 'yun sa pag-aaral sa Black Dimension kaya binigyan nila ako ng mission without my parents' consent. Syempre, bilang bata at dahil sa kagustuhan kong maging proud ang parents ko sa akin, tinanggap ko ang mission. Hindi ko alam na 'yun na pala ang huling mission na magagawa ko sa buhay ko."


Nagsimula naman siyang maglakad kaya sumunod ako sa kanya. Pinagpatuloy niya ang kwento niya kaya nakinig naman ako.


"I managed to travel inside the Black Dimension. Siguro dahil na rin sa sixth sense ko at sa trait ni Dad. After all, naging immune siya sa Black Dimension after chasing Shinigamis for countless times. Pero hindi ko inaasahan na mapapadpad ako kung nasaan ang pinakamalakas na Shinigami." Tumingin siya sa akin at naging matigas ang expression niya. "The leader and your father, Subaro. Nung nasa harapan ko siya, doon ko nalaman ang ibig sabihin ng matinding takot at kamatayan. But still, lumaban pa rin ako kahit na alam kong wala akong pag-asa. With just a single slash, he ended my life. Or so I thought. Habang buhat niya ang katawan ko ay nararamdaman ko pa rin ang paligid at active pa ang utak ko, though wala ng silbi ang katawan ko dahil hindi ko na ito maigalaw o maramdaman man lang. Siguro nawalan ako ng malay after that at nagising na lang ako na nakahiga at napapalibutan ng medical equipment. Of course, I'm familiar with them dahil kay Mom. Then narinig ko ang inner voice mo. It seems like you're on the verge of death like me. Nawalan ka ng malay pagkatapos kong sabihin ang pangalan ko pero after that ay nagsimula ang operation nating dalawa."

Seventh Sense (Erityian Tribes, #2) | Published under Pop FictionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon